TULA #43 || 100 I LOVE YOUS (Pagbabalik)

11 1 0
                                    

Ako'y nagbabalik sa pagsulat muli
Dala'y mga kagalakan, hindi ikukubli
Dahil ikaw ang likha kong tula
Aking ipinagmamalaki, 'di ka ikaka-ila

Ako'y nagbabalik para sa iyo
Upang ipagpatuloy ang nasimulan ko
Tulang aking isinulat, sa panahong 'di pa kita kilala
Kaya ngayon, sana'y iyo 'tong makita

Ikaw ang kasiyahan ng puso ko
Sayo ito'y natagpuan, salamat sa pag-ibig mo
Sana'y sa pagbibigay nito, pagbigyan mo sana ako
Handa akong mag-intay, handa akong magsakripisyo

Isang matapang na Ginoo, handa ng lumaban
Upang maprotektahan lamang ang Binibini ko
Ako'y nasa tabi mo, kasang-ga mo ako
Sa anumang sitwasyon ako'y nasa iyo

Dahil ganoon na lamang ang pag-ibig ko sa'yo
Handang ibuwis ang buhay, makapunta lang sa puso mo
Dahil masasabi kong minamahal kita
At ito'y handang ibigay sa iyo, sana'y iyong madama

- I love you ❤️

100 I LOVE YOUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon