TULA #25 || 100 I LOVE YOUS (Walang alinlangan)

3 2 0
                                    

Ang gusto ko ay yung hindi ako iiwanan
Palagi akong sasamahan at aalagaan
Yung tipong magkasakit man ako ay nandyan parin
Patuloy parin akong inaalagaan, walang alinlangan

Paulit-ulit kong binabanggit sa aking tula ang salitang "alinlangan"
Dahil walang naging sigurado sa akin, walang tumatagal sa pakikinig sa akin
Kaya sana'y sa huli kong laban dito sa mundo, may makinig
Makinig sa mga kadramahan ko sa buhay, makinig sa dala kong pag-ibig

Walang alinlangan, patuloy akong aalagaan
Dumating man ang pinakamahirap na pagdadaanan
Hindi aatras, hindi susuko at walang hintuan
Di ako iiwanan sa labang kailangang lagpasan

Hindi makasarili, hindi makapangyarihan
Kailangan ko'y simple pero may paninindigan
Sa mga bagay ay may malawak na pag-unawa ang pag-iisip
Walang kailangang bitawan, hindi kailangang mainip

Dahil sa pag-ibig, di kailangang mag-alinlangan
Lalo na kung tunay ang nararamdaman
Handang isakripisyo ang sariling buhay para sa minamahal
Sya'y umiibig ng tunay at ang kanyang puso'y may dangal

- I love you ❤️

100 I LOVE YOUSWhere stories live. Discover now