TULA #59 || 100 I LOVE YOUS (Ang Tadhana Part 1)

3 1 0
                                    

Isinusulat, upang isipa'y mamulat
Na dapat kang hanapin at sa tadhana'y maging tapat
Hindi nagkataon, sadyang sinadya ang lahat
Upang hanapin ka't 'di na ako magpakalat-kalat

Ako'y naliligaw ng landas, pilit nagpupumiglas
Sa wakas, nahanap ko ang huling alas
Ito ang pag-ibig na pilit nilalaban
Mabigo man ng paulit-ulit, hinding-hindi bibitawan

Ikaw ay niloko, ako ay iniwanan
Nasaan ka na ba? Maari bang tayo na lamang?
Sa akin ka na lamang, hinding hindi kita iiwanan
Wagas na pag-ibig ang iyong asahan

Hindi sila sigurado sa akin, ngunit ikaw ay sigurado
Ang iyong isipan ay hindi sarado, puso mo'y sagrado
Dalisay, malinis at ni walang pintas
Sadya ngang ika'y ibinigay sa akin ng itaas

Sinadyang tadhana, di sumuko ang pusong may pag-asa
Kapayapaan ang hangad, pag-ibig ang bubungad
Sa dalisay na puso mo Binibini, ikaw ang aking pinipili
At sa pagpili sayo'y kailanma'y 'di magsisisi

- I love you ❤️

100 I LOVE YOUSWhere stories live. Discover now