TULA #49 || 100 I LOVE YOUS (Pinipili)

2 1 0
                                    

Marapat lamang na namahiln
Tunay na ibigin, karapat-dapat hilingin
Nais kong sabihin na sayo'y may pagtingin
Di kailangang pilitin, kusa kang dumating

Pinunan mo ang pagkukulang ng iba
Sayo ko nahanap, ika'y kakaiba
Sayo naging kampante, sayo'y naging masaya
Nais kong manatili sa piling mo sinta

Matayog na pangarap ang nag-iintay sa atin
Nakahanda na ang tadhana na pumili sa atin
Ating panatiliin pagmamahal na itinanim
Upang sa habang buhay na pag-ibig ang ating anihin

Kikilalanin pa kita, gusto kong maging parte ng buhay mo
Maging parte ng napaka-magandang kinabukasan ko
Maging masaya ang bawat sandali
Habang buhay akong sayo'y mananatili

Tuwing ika'y nakangiti, mundo ko'y nagliliwanag
Sumasaya ang aking bawat sandali tuwing nasisilayan ang aking magandang dilag
Na may magandang ngiti sa kanyang labi
Ako'y nahulog na, puso ko'y ikaw ang pinipili

- I love you ❤️

100 I LOVE YOUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon