TULA #10 || 100 I LOVE YOUS (Kapit)

11 2 0
                                    

Ako si kapit, hindi butiki pero palaging nakapit
Dahil naniniwala ako sa kapangyarihan ng pagkapit
Pero kung ako'y kakapit, doon sa kakapit rin
Baka kasi malaglag, at pagkasawi ay lumapit

Hirap pa naman ng walang sumasalo
Hirap ng walang sigurado, pero
Ako'y naniniwala parin sa hiwaga ng pag-kapit
At sya'y kakapit din, di ko na ipipilit

Kusang darating, kusang lalapit
Kusang tatanggapin ang mga tula ng hindi ko pinipilit
Mapapa OMG nalang sya, totoo ba?
Oo para sayo ang mga tulang ito kaya kapit lang talaga

Ang sino-mang kumapit sa mga tula
Sya ang dahilan kung bakit ako nagbago
Tinalikuran ang di magagandang nakaraan
At tumingin sa kanyang harapan, 'O ako'y di na mahihirapan

Salamat sa Diyos, dahil sa pagkapit ko sa pag-ibig mo
Sya'y aking natagpuan, ako ay kanyang sinamahan
Sa pagkapit sa pag-ibig mo, sa paniniwalang hindi kailangang lumisan
Pagkat kailangan lang maniwala sa pag-ibig na walang hangganan

- I love you ❤️

100 I LOVE YOUSUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum