Matunog akong ngumisi sa bumato, nagmumukhang akong nakakatakot sa dating ko ngayon pero ang totoo, ako ang mas natatakot, baka kase mamaya tadtarin ako ng mga bala sa baril nila.

Hindi ko pinahalatang napansin ko agad na may palihim na papasugod sa akin at nakatutok ang baril nito sa akin!

Diretso lang ang tingin ko sa bumato habang hinaantay kong sumugod ang isang palihim na lumalapit sa akin.

"Eda————" akma pang ituturo ni Blake ang lalaki na papasugod sa akin ng sipain s'ya sa tiyan ng isa pang lalaking malapit sa kan'ya.

Mabilis kong nilingon ang lalaking susugod sa akin matapos kong makarinig ng pagkasa ng baril at akma akong papuputukan ng ganon na lang kabilis gumalaw ang isa kong kamay para pabaligtad na agawin ang baril.

Hawak ko na ngayon ang naagaw na baril at sa pagkalabit n'ya na iyon kanina at sa bilis kumilos ng kamay kong agawin iyon ay sa paa n'ya pumutok ito.

Gulat na gulat ako! Napakabilis kumilos ng mga parte ng katawan ko. Maski bala ng baril ay naunahan ko pang mang-agaw bago iyon pumutok. Para akong puppet na may kumokontrol sa akin.

Ni hindi ko nga alam kung paano bumaril o umasinta! Isa pa, wala akong lakas ng loob na bumaril dahil masama ito!

Hindi ko rin alam kung gaano ako kaasintado bumaril sa paa ng lalaking iyon.

Sa nagawa ko ay sunod sunod na pag-ataki ng mga kasamahan nito ang natatanggap ko at ganon kabilis kumilos ang kamay ko na kasahin ang baril at mabilis paputukan tig-iisa ang mga paa nito!

'Ayoko na! Ayokong makapatay! Teka lang!'

Trust me.

Iyon na naman ang linyahan ng boses na nasa isip ko kaya wala akong nagawa kundi magpadala sa pagkontrol nito sa akin.

Sa isang iglap, ang lahat ng sumugod sa akin ay nakahandusay na sa lupa sa asintadong pagbaril ng kamay ko. Lahat sila ay nagsisigawan sa mga tama nila habang umaagas ang kanilang mga dugo.

Sinulyapan ko muli si Blake nang makita kong napagapang ito paatras mula sa pagkakahiga n'ya sa lupa sa bugbog na natamo at panghihina, ngunit natuptop n'ya ang bibig n'ya akong tinignan.

Kahit ako hindi ko inaasahang magagawa ito ng nilalang na kumokontrol ng buong katawan ko.

Ang natitirang mga nakatayo ay nagdadalawang isip man, napasugod na rin sila na sabay sabay nagsikasahan ng mga baril bago ako sabay sabay na pinutukan!

Pero ang ikinagugulat ko ay ganon ko na lanh kabilis na naiilagan iyon matapos tumakbo ng pagkabilisbilis ng mga paa ko sa paiba ibang direksyon upang linlangin ang mga bumabaril at dinadala ako ng mga paa ko sa mga madidilim na bahagi upang malingat ng tingin ang mga bumabaril.

Ilang saglit pa ay mabilisang paghinga ko sa pagkahingal bago ko natagpuang nasa likuran na ako ng mga kalalakihang bumabaril sa akin kanina.

Hanggang ngayon basta basta lang sila bumabaril kahit wala na naman ako doon sa gawing iyon dahil nasa likuran na nila ako.

"Woi" hindi ko rin inaasahan ang pagsalita ko na iyon para agawin ang pasin ng mga lalaking parang tangang hangin ang binabaril sa harapan nila.

Bago pa man sila tuluyang makaharap ay ang mataas kong pagsipa ang nasalubong ng mga mukha nila kasabay ng mga malalakas na pagsuntok ko sa mga nagtitigasang mukha ng mga 'to at pagsiko ko dito.

Hinihingal akong nailibot ang paningin at nanlalaki muli ang mga mata ko ng makitang sa dami ng mga lalaking umataki sa amin, lahat sila ay nakahandusay at namimilipit na ng sakit sa lupa.

Sangue Dolce ✔️Where stories live. Discover now