Tala, a party goer who didn't mind to get wasted. Skipping classes, sneaking every night, and drinking too much was her specialty... until Engr. Delgado came, the substitute teacher in her class.
Date Started: March 18, 2021
Date Ended: July 16, 20...
Simula nang dalhin ako sa hospital ni Sir Pogi at kung paano ko narinig ang mga pinag-uusapan nila ni Vera ay hindi na ako tinitigilan ng panaginip kong 'yon.
Isang linggo na rin ang nakakalipas pero wala pa rin akong makuhang sagot sa mga katanungan ko.
Paulit-ulit na tanong pero walang mga kasagutan. Fuck!
"Tulog ka kasi nang tulog."
Pakiramdam ko ay lumaki ang tenga ko sa narinig. Nagsalita na naman ang pinaglihi sa pwet ng manok.
Nanlilisik kong nilingon si Serenity. Isa pa ito, kung hindi magtatanong ay nangingialam naman ng buhay ko. Tsk.
"Pakakainin kita ng libag kung hindi ka titigil sa kadaldalan mo!" singhal ko sa kan'ya pero imbis na matakot ay bumilog lang ang bibig niya at ang ekspresyon niyang parang nangdidiri sa mga sinabi ko.
Tumaas ang isang kilay ko at akmang magsasalita na nang bigla siyang ngumiwi.
"Ew. May libag ka?" nangdidiring saad aniya at saka ako tiningnan mula ulo hanggang paa na parang may nakakahawa naman akong sakit.
Tumataas yata ang altapresyon ko dahil sa babaeng 'to. Nasa sukdulan na rin ang pagtitimpi kong subunutan siya at isabit pabaliktad, baka sakali na tumino na siya at bumalik sa sarili. She's getting into my nerves. Argh!
Huminga ako ng malalim. "May gunting ka?" sagot ko sa kan'ya na agad nakapagpabalik ng mata niya sa akin.
Nagtataka siyang nakatingin sa akin. "Scissors?" pag-uulit niya at talagang nag-english pa, akala mo naman best in english noong elementary. "Bakit?" dagdag tanong pa niya.
Ngumisi ako. "Gugupitin ko ang dila mo para hindi ka na makaperwisyo ng ibang tao. Daldal mo!"
Agad niyang tinakpan ng dalawang kamay ang bibig niya at umiling. Isa na lang talaga, Serenity.
Inirapan ko na lang siya at tiningnan si Eloise na nasa unahan ni Anastasia. "Eloise, may liptint ka pa?" tanong ko.
Kasalukuyan siyang nagsusuklay sa harap ng dala-dala niyang medyo may kalakihang salamin. Arte. Hmp.
Tiningnan niya ako habang nakataas ang isa niyang kilay. "You wanna hiram?" maarteng tanong niya na sasagutin ko pa lang sana nang muli siyang magsalita. "Luh, asa ka," aniya at agad akong inirapan.
Nalaglag ang panga ko. Inirapan niya ba talaga ako?! Bukod sa akin ay wala ng dapat umiirap sa kwartong 'to. Hindi ko rin gusto ang tabas ng dila niya, at baka pagbuhulin ko pa sila ni Serenity.
Duh, si Tala kaya 'to.
Tinikom ko ang bibig ko at agad na tumayo nang biglang may humila sa damit ko sa likod dahilan para bumalik ako sa pagkakaupo. Buti na lang ay nakahawak ako agad sa arm chair, muntik pa tuloy akong malaglag sa sahig dahil sa gulat. Peste!
Matalim kong nilingon si Serenity na malapad nang nakangiti. "Nandiyan na si Engr. Delgado," bulong niya sabay turo sa pinto na agad kong sinundan ng tingin.
Agad akong umayos ng upo nang nakatayo pa rin siya sa may pinto habang seryosong nakatingin sa gawi namin. Biruin mo na ang lasing at bagong gising, 'wag lang ang lalaking nasa menopausal stage. Sungit. Hmp.
Umiwas na siya ng tingin sa amin at dumiretso sa teacher's table. May inaayos siya sa kan'yang mga gamit bago ibinalik sa amin ang atensyon niya.
Kahit pala talaga galit ka sa isang tao, kapag tinamaan ka --- tinamaan ka. Pagkalabas ko ng hospital ay nag-usap din kami agad dahil... marupok ako?
Well, si Tala kaya 'to.
"Aside sa written quiz next week, may board quiz tayo ngayon."
Nagsimulang mag-ingay ang mga kaklase ko, at maging ako ay umangal din. Sa tindi niyang magturo ay para rin siyang may galit sa amin dahil sa hirap niyang magbigay ng quiz.
Akala mo naman ay may patago siyang sagot sa amin. Tsk.
Mas lumakas pa ang ingay na parang inasinan ang buong klase nang muli siyang magsalita. "Alam kong hindi kayo nag-aaral, kaya sa ayaw at gusto niyo ay may board quiz tayo."
Napairap ako sa isip ko. Nandiyan na naman po siya sa pagiging bossy niya. Sabagay, wala naman akong karapatan magreklamo --- teacher siya, e.
Nakinig na lang ako sa mga kaklase kong nagrereklamo. Inuubos lang nila ang mga oras nila sa lalaking 'yan, kung alam lang nila... mas matindi pa ang ugali niya sa babaeng nire-regla.
Kahit na maingay ay napansin ko agad ang pag-ikot ng mga mata niya sa buong klase... hanggang sa huminto ang mga mata niya sa gawi ko, actually ay sa akin talaga.
Don't tell me---
"Miss Garcia," medyo pasigaw niyang tawag na umalingawngaw sa buong kwarto. Tumahimik ang mga kaklase ko at sabay-sabay na tumingin sa akin. Nanlulumo ako. Para na naman tuloy akong lumulubog sa kahihiyan dahil sa ginagawa niya. Kainis.
Nanatili akong nakatingin sa kan'ya at hindi na pinansin ang mga kaklase kong nanatili ang mga mata sa akin. Fuck!
Humanda talaga siya sa bahay mamaya.
Nakita ko ang paggalaw ng adams apple niya na mukhang alam ko na ang ibig sabihin. "Go to the board," may awtoridad niyang utos na hindi ko na ikinagulat. Sabi ko na nga ba.
Mariin akong pumikit. Kalma, Tala. Calculus lang 'yan... maganda ka.
Huminga muna ako ng malalim bago nagmulat ng mata. Tumayo ako at hindi pinansin ang ilang mga matang nakatingin sa akin. Baka nagagandahan lang sa'kin.
Well, si Tala kaya 'to.
Nagsusulat si Sir Pogi sa whiteboard nang nakarating na ako sa unahan. Baka 'yon ang sasagutan ko, o ang tititigan ko mamaya. Gan'on talaga, ganda lang ang baon ko ngayon.
Pagkatapos ni Sir Pogi magsulat ay agad siyang humarap sa akin. Saglit niya lang akong tiningnan na 'don't dissapoint me' look bago binigay sa'kin ang board marker. Napangiwi lang ako at kinuha iyon.
Pag-usapan na lang natin mamaya sa bahay, mylabs. Kung makakalusot...
Seryoso kong tiningnan ang nakasulat sa white board.
Solve the following initial value problem:
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Napalunok ako. Resulbahin nga ang problema ko ay hindi ko magawa, ito pa kayang iilang letra at numero sa white board. That's more fucking suck than my problems!
Dudugo ang utak ko sa sakit ng ulo. Kahit pigain ko siguro ang utak ko ay wala akong mapipiga, at kahit bali-baliktarin niya ako ay wala siyang makukuhang sagot sa akin.
Mababaliw yata ako... shet!
Tinitigan ko lang ang white board. Bukod sa ganda ay wala na talaga akong ibang baon, wala akong extrang utak.
"Hindi 'yan magsasagot ng kan'ya, Miss Garcia," ani Sir Pogi sa tabi ko na parang nawawalan nang gana sa nangyayari.
Napairap ako. Alam ko, hindi naman ako magician. Tsk.
Napabuga na lang ako ng hangin bago siya tinatamad na hinarap. "I-zero mo na lang po ako," saad ko bago inabot pabalik sa kan'ya ang board marker.
Tutal mukhang bored na bored ka na naman ay mas mabuting maupo na lang ako at ikaw na ang magsagot. Nasasayang lang din naman ang mga oras natin, at nakakapagod tumayo. Tsk.
Pinanood ko siyang saglit na tinititigan ang board marker na inaabot ko bago niya ito marahan na kinuha. Bumalik ang tingin niya sa akin kaya agad akong umiwas at balak na sanang umalis nang biglang siyang bumulong na sapat lang para marinig ko.