Napangiti ako nang makitang puno ito ng mga laruan at mga gamit ng baby. Ilang minuto kong pinagmasdan isa-isa ang mga gamit at ang buong kwarto bago ko na-realize na... baby's room pala ito.

Unti-unti na namilog ang mga mata ko, at agad na napaisip.

May anak na si Sir Pogi?

Luh! Seryoso ba?!

Kala ko ba single siya?! May obviously not interested to mingle pa siyang nalalaman tapos may anak na pala siya. Hmp.

Lalabas na sana ang ako nang bigla namang may humila sa'kin, at marahas akong binitawan palabas ng kwarto.

"Tama nga ako, wala kang magandang gagawin sa bahay ko!"

Natulala ako nang nakitang galit na galit si Sir Pogi habang sinasarado ang pinto. Nakaramdam ako ng takot nang napansing nanginginig siya sa galit at parang mangangain ng buhay.

Matalim siyang tumingin sa'kin habang umiigting ang kan'yang panga sa galit. "Sa susunod na papasok ka ulit sa kwartong 'to 'wag mong aasahan na magiging mabait pa ako sa'yo," may diin niyang sabi na mas lalong nagpanginig ng tuhod ko.

Walang gustong lumabas na salita sa bibig ko. Natatakot ako, at hindi ko alam ang gagawin.

Naghanap ako ng tamang sasabihin habang hindi inaalis ang tingin sa kan'ya.

Napalunok ako.

"S-sorry---"

Ngunit bago ko pa matapos ang sasabihin ay umiwas na siya ng tingin sa akin at nagsalita. "Umalis ka na at baka kung ano pa ang magawa ko," aniya bago ako iniwan at lagpasan na parang isang hangin lang.

Hindi na ako nagsalita at hinayaan na lang siyang lagpasan ako. Huminga ako ng malalim bago lakas loob na humakbang patungo sa hagdan.

Mabibigat ang bawat hakbang ko. Hindi ko kasi lubos maisip na may ititindi pa pala ang masamang ugali niya.

Nakakailang hakbang pa lang ako nang unti-unti ko ng nararamdaman ang sarili ko, at bumabalik sa pagiging matigas ng ulo ko. Huminto ako at muling huminga ng malalim bago siya mabilis na hinarap.

Nagulat ako nang nakitang nakatingin siya sa'kin pero agad rin na umiwas nang humarap ako, pero agad rin akong bumalik sa sarili at lakas loob na nagsalita.

"Pogi ka sana, masama lang ugali mo!" sigaw ko at saka nagmadaling bumaba ng hagdan at tumakbo palabas ng bahay. Hindi ko na siya hinintay at baka mabugahan pa ako ng apoy sa sobrang galit ng masungit na 'yon.

Lumabas na rin ako ng gate at hindi na muling nilingon ang bahay niya.

Anong tingin niya sa'kin, marupok? Pagkatapos niya akong sigaw-sigawan umaasa pa siyang babalik ako sa bahay niya?

No way!

Never! Three times!

Duh, si Tala kaya 'to.

"Miss Garcia!"

Natigilan ako.

Alam kong boses 'yon ni Sir Pogi, hindi ako p'wedeng magkamali.

Saglit akong napaisip kung paano niya nalaman ang pangalan ko. At dahil wala na akong time para mag-isip ay agad ko rin na pinilig ang ulo ko para isantabi ang pag-iisip.

Saka ko na po-problemahin ang bagay na 'yan dahil may iba akong naiisip. I have a plan...

Bahagyang tumaas ang isang kilay ko at ngumisi.

Nilingon ko siya... pero agad ko rin na inirapan at nagpatuloy sa paglakad. Lumuhod muna siya at suyuin ako bago ko siya kakausapin.

Well, si Tala kaya 'to.

Habang naglalakad ng village nila hindi nawala ang malaking ngiti sa labi ko.

Maghahabol ka rin sa'kin Sir Pogi...

Well, si Tala kaya 'to.

Pagkalabas ng village ay agad akong naghanap ng taxi at nagpahatid sa bar kung nasaan ang kotse ko. Doon na lang siguro ako magbibihis bago ko tatawagan ang mga kaibigan ko.

Bukas na lang ako papasok dahil wala ako sa mood, baka makita ko pa ang magaling kong Ama doon at mas lalong masira ang araw ko.

Pagkatapos kong magpalit ng damit sa bar, agad rin akong bumalik sa kotse at tinawagan si Vera.

Bukod sa walong taon ko ng kaibigan si Vera, madalas rin ako makitulog sa bahay nila. Palagi kasing wala ang mga magulang niya dahil sa negosyo ng pamilya nila.

Nakakatatlong ring pa lang ay agad rin na sinagot ni Vera ang tawag. "Oh. Bakit napatawag ka, Tala Abigail Garcia?" bungad niyang sagot sa'kin na medyo may pagtataray.

Pinagtaasan ko siya ng kilay kahit hindi niya iyon nakikita. "Makikitulog kasi ulit ako sa bahay niyo, Vera Delgado," mariin kong sabi nang hindi na nagpaligoy-ligoy pa.

Natawa siya sa sinabi ko kaya tumawa na rin ako. Baliw din talaga ang babaeng 'to, kaya kami nagkakasundo.

"May nangyari na naman ba sa bahay niyo?" agad niyang tanong sa'kin pagkatapos ng tawanan.

"Mahabang kwento," I sighed.

"O, sige... pagkwentuhan natin 'yan mamaya sa bahay. Mamayang after lunch uuwi na ako, wala na kaming klase. See you later! Mwa!" paalam niya kaya nagpaalam na rin ako.

Pinatay niya ang tawag, kaya ibinaba ko na rin ang cellphone ko at saka ito tinago.

"Saan naman ako pupunta ngayon?" tanong ko sa sarili.

Kaya bago pa ako mabaliw ay nagdrive na ako sa kung saan hanggang sa napadpad ako sa sementeryo.

Pupuntahan ko si Mommy...

Maagap akong bumaba ng kotse at naglakad patungo sa puntod ni Mommy. Buti na lang sumagi sa isip ko na 8th death anniversary pala ngayon ni Mommy, sa dami ng nangyari muntik ko ng makalimutan.

Hindi pa ako tuluyang nakakalapit ay unti-unti nang tumutulo ang luha ko. Kahit anong gawin ko ay hindi ko pa rin talaga alam kung paano tatanggapin na wala na si Mommy.

Masakit, at hindi kasi makaturangan ang pagkamatay niya.

Nasangkot kasi sa isang aksidente si Mommy, at hindi na umabot sa ospital nang dalhin siya ng ambulansya. Naabutan na lang din namin siyang wala ng buhay, kaya sobrang sakit na hindi 'man lang ako nakapagpaalam sa pinaka-importanteng tao sa buhay ko.

"Miss na miss na kita, Mommy..." bulong ko habang marahan na lumuluhod sa harap ng puntod ni Mommy. Hindi ko na rin napigilang humagulgol ng iyak dahil sa sakit na nararamdaman.

Kung kaya ko lang ipagpalit ang buhay ko para sa kan'ya ay matagal ko ng ginawa. Mas marami kasi ang nagmamahal sa kan'ya kumpara sa'kin, kaya dapat na mas mabuhay si Mommy.

Nanatili akong gan'on hanggang sa bumuhos ng malakas ang ulan. Hindi ako umalis at mas lalong humagulgol ng iyak.

Siguro... alam ni Mommy na umiiyak ako at pinapaalam niyang andito lang siya para samahan ako.

"I love you, Mommy."

Ilang minuto pa akong nakaluhod sa harap ng puntod ni Mommy habang nakayuko at umiiyak. Hanggang sa hindi ko na nararamdamang dumadampi sa'kin ang bawat patak ng ulan.

Natigilan ako dahil alam kong hindi pa rin humihinto ang ulan kaya marahan akong nag-angat ng ulo. At nang napatunayan kong umuulan pa nga ay bahagya akong tumingala, at d'on ko nakitang may payong sa itaas kaya pala hindi ako nababasa.

Nag-isip pa ako kung sino iyon at kung haharapin ko ba kung sino ang taong may hawak-hawak ng payong... nang bigla naman itong nagsalita.

"Halika na... lumakas na ang ulan," aniya na agad kong nilingon.

Bumilis bigla ang tibok ng puso ko.

Sir Pogi?

✔ || The Walwalera (Part I)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora