Dahan-dahan akong bumaba ng hagdan para hindi makagawa ng ingay. Sayang ang iniisip ko kung hindi 'man lang magiging successful, minsan na nga lang ako mag-isip tapos masisira pa.

Mas lalong lumakas ang halinghing na naririnig ko hanggang sa naging ungol na ito na parang gusto nang mag-transform sa pagiging aswang.

Akala niyo makakaligtas kayo sa'kin?

Asa, si Tala kaya 'to.

"Come on, baby, harder!" sigaw ni Veronica.

Bahagya akong natawa sa narinig. "Gutom na gutom, Veronica?" bulong ko at saka mahinang humigikgik ng tawa.

Kahit ganito akong tao, hinding-hindi ako pumapatol sa taong may jowa. Ano ako mauubusan? Sa ganda kong 'to palay ang lumalapit sa'kin, at sadyang basura lang talaga ang gusto ng magaling kong ex.

Tsk.

Nang tuluyan na akong nakababa naaninaw ko ang dalawang nagse-sex sa sofa namin sa sala. Mga walang hiya, hindi 'man lang talaga pumasok sa kwarto, at ginawa pang motel ang sala namin.

Tumaas ang isang kilay ko. "Humanda kayo sa'kin," I smirked.

At dahil hindi nila ako napansin marahan akong naglakad papunta sa switch ng ilaw habang patuloy pa rin ang pag-ungol ni Veronica.

Gusto nila ng show? Bibigyan ko sila ng show.

Nagbilang ako hanggang tatlo sa aking isip bago mabilis na binuksan ang ilaw. "Sarap, guys?!" sigaw ko sabay tawa ng malakas.

Nakita ko silang parehong nakahubad habang nakapatong iyong magaling kong ex sa step sister ko. Hindi ko alam kung ahas pa ba ang itatawag ko sa kanila o mga baboy. Sa nakakadiring itsura nila mas masahol pa sa baboy ang dapat kong itawag sa kanila.

Tsk.

Lintik lang ang walang ganti.

Mabilis na nagbago ang ekspresyon ko sa ngisi nang nakitang gulat na gulat sila sa nangyari.

Sabay nila akong tiningnan, at nang nakita nila ako ay dali-dali silang naghiwalay na dalawa. Nakita ko kung paano sila malito sa gagawin kaya mas lalo akong nag-enjoy na panoorin sila.

"Ayan, mga napapala ng mga taong gutom. Kung saan-saan na lang lumalamon!" pang-aasar ko pa habang naka-cross na ang dalawang braso sa may bandang dibdib.

Kung hindi ka nga naman patay gutom hindi ka mangingialam ng pagkain nang may pagkain. Tsk.

Pansin ko ang pagbubulungan nila habang nagmamadali sa pagbi-bihis, hindi ko naman iyon marinig dahil medyo malayo ako sa kanila. Hindi ko na iyon pinansin dahil sa sayang nararamdaman ko ngayon.

Pagkatapos ng dalawang linggo, ngayon lang ako ulit nakaganti sa kanilang dalawa. N'ong araw na 'yon kasi hindi na ako nakipag-usap sa kanilang dalawa at tuluyan na akong nakipaghiwalay kay Riley.

Duh, hindi kaya ako pumapayag ng may kasalo. Gusto ko akin lang!

Nang tuluyan na silang nakapag-bihis ay agad akong nagtungo malapit sa kanila. Hindi pa kaya ako tapos.

"Sana naman pumasok muna kayo ng kwarto, alam niyo namang may cctv ang buong bahay," ngisi ko saka sila inirapang dalawa.

Nagutom tuloy ako lalo. Makakain na nga lang.

"Hay. Iba talaga ang nagagawa ng libog, kung saan-saan na lang talaga, e," dagdag ko pa saka naglakad patungo sa kusina.

Hindi ko na sila muling nilingon dahil wala na akong pakialam kung ano 'man ang maging reaksyon nila. Bahala na sila kung anong gagawin, at least na-inform ko silang may cctv sa kahit saang sulok ng bahay. Alam ko rin namang hindi sila magugulat d'on dahil pareho nilang alam 'yon, baka sadyang nakalimot lang dahil sa katakawan.

✔ || The Walwalera (Part I)Where stories live. Discover now