Nakatingin lang ako sa kanya habang nakapikit syang kumakanta. Parang damang-dama nya ang bawat letra.
I will never let you fall
I'll stand up with you forever
I'll be there for you through it all
Even if saving you sends me to heaven
It's okay
It's okay
It's okay
Seasons are changing and waves are crashing and
Stars are falling all for us
Days grow longer and nights grow shorter
I can show you I'll be the one
Patuloy kaming sumasayaw sa saliw ng malamyos nyang tinig. Iisang tao ang gumawa sakin ng ganito pero hindi ko sila maicompare sa isa't-isa. Magka-ibang tao sila pero pareho silang nagbigay ng magagandang aral sakin.
Si Nico, tinuruan nya ako ng maraming bagay gaya ng kung paano ang magmahal, pinaramdam nya sakin kung paano dapat ako tratuhin at alagaan. Yun nga lang, dumating sa point na pati ang masaktan ay pinaramdam nya rin sakin.
Samantalang si Paul Aries, kahit saglit na panahon ko palang sya nakakasama, pinaramdam nya saking kahit ano pa ako at yung kung ano man yung mga pinagdaanan ko, mahalaga ako. Siya yung nagbigay liwanag sa mga panahong nasa dilim ako at gusto nang sumuko. Siguro kung wala sya, baka naninigas na ako sa gutom sa kwarto ko dahil dumating talaga sa point na ayaw ko nang magfunction kasi sumuko na ako. Nakakahiya tuloy dahil sinigaw-sigawan ko pa sya kahapon nung pinipilit akong kumain.
Masyado akong nabulag ng pagmamahal. Tama nga sya, dapat mahalin ko muna yung sarili ko dahil sa huli, sarili ko lang ang mayroon ako.
I will never let you fall
I'll stand up with you forever
I'll be there for you through it all
Even if saving you sends me to heaven
'Cause you're my
You're my, my
My true love
My whole heart
Please don't throw that away
'Cause I'm here for you
Please don't walk away and
Please tell me you'll stay, yeah
Whoa
Stay, whoa, whoa
Use me as you will
Pull my strings just for a thrill
And I know I'll be okay
Though my skies are turning grey (grey)
I will never let you fall
I'll stand up with you forever
I'll be there for you through it all
Even if saving you sends me to heaven
I will never let you fall
I'll stand up with you forever
I'll be there for you through it all
Even if saving you send me to heaven
"Naniniwala na akong ikaw ang guardian angel ko" nakangiting sabi ko sa kanya pagkatapos nyang kumanta. Nabakas ko ang gulat sa mga mata nya at pagkuwa'y napalitan iyon ng kakaibang kislap.
"Alam mo na ba kung ano ang mga dapat mong gawin?" Tanong nya na hindi parin ako binibitawan.
"Oo. Maraming maraming salamat sayo"
"Wag kang magpasalamat sakin, Stellar. Masaya akong okay kana. Masaya akong nakabawi ako sayo"
"Ano ba yun? Hindi kita maintindihan"
"Maiintindihan mo rin pagdating ng panahon" nakangiting sabi nya.
"Bakit ang daming sikreto ng mga tao?" Nakangusong sabi ko. Naniniwala akong kaya kami nagkasira ni Nico ay dahil din sa mga sikreto nyang hindi nya masabi-sabi sakin.
"Dahil may mga bagay na pag hindi mo alam, hindi ka masasaktan. Ayokong maghiwalay tayo ng galit ka sakin"
"Bakit naman ako magagalit sayo?"
Pinisil nya ang ilong ko at pinangigilan iyon. Inapakan ko tuloy ang paa nya.
"Hangad ko ang kaligayahan mo, Stellar. Gawin mo yung tama at tandaan mo, you are worthy" tumango tango ako.
"Hanggang sa muli, Miss Stellar" bago pa ako makapagtanong ay naramdaman ko ang mga labi nya sa noo ko kaya napapikit ako.
Pagmulat ng mga mata ko ay puting-puting kisame ang bumungad sakin. Hindi ako makapagsalita dahil may tubong nakapasak sa bibig ko. Amoy ospital at naririnig ko rin ang tunong ng machine na nagbibigay ng takot sakin. Ganun kasi ang tunog noon nung naospital si Lolo at binawian ng buhay. Anong nangyari? Nasaan si Paul Aries?
Muli kong ipinikit ang mga mata ko at huminga ng malalim. Pagmulat ko ay kisame parin ang nabungaran ko. Pilit kong inilibot ang paningin ko pero mga machines lang ang nakikita ko.
Nasaan sina Mommy? Si Daddy? At nasaan si Paul Aries?
Bumaba ang tingin ko sa bandang tiyan ko at halos lumuwa ang mga mata ko nung makita ang malaking umbok dun.
Napalingon ako sa pinto nung bumukas iyon. Nag-aalalang mukha ni Mommy ang bumungad sakin. Gustuhin ko mang magsalita ay hindi ko magawa. Naguguluhan ako sa mga nangyayari.
"Finally, baby! You're awake!" Umiiyak na sabi ni Mommy at hindi sya magkaintindihan kung paano ako hahawakan. Parang takot na takot at ingat na ingat sya.
Muling bumukas ang pinto at pumasok naman si Daddy kasunod ng doktor. Lumapit sakin ang doctor at sinuri ako. Niyakap ni Daddy si Mommy na iyak parin nang iyak.
"How are you feeling, Miss Mendoza?" Nakangiting tanong ng doktor pero hindi ako makapagsalita. Tinanggal nya rin ang nasa bibig ko pero hinang-hina ko para ibuka ang bibig ko.
Naramdaman kong medyo pinisil nya ang kamay ko.
"Naramdaman mo ba?" Pinagkasya ko nalang ang sarili ko sa pagtango at pag-iling sa mga tanong ng doktor. Napapitlag pa ako nung hinaplos nya ang tiyan ko.
"You were in a coma for 8 months, Miss Mendoza. And sobrang nakakaproud dahil ang strong ng baby mo. Indeed a miracle" parang bombang sumabog ang ulo ko sa isiniwalat ng doktor. Paanong mangyayari yun? Nasa bahay lang ako kanina at naligo pa sa ulan kasama si Paul Aries.
Napahawak ako sa ulo ko dahil sobrang sakit nun. Nagkagulo ang mga doktor. Hindi ko alam kung ano ang mga ginawa nila pero ilang sandali pa ay nawalan na muli ako ng malay.
ESTÁS LEYENDO
When The Stars Align
Ficción GeneralLahat ng tao ay nagnanais na makapiling ang taong kanilang pinakamamahal. Mayroong mga sinuwerte na mahalin din pabalik at mayroon din namang hindi pinapalad. Lahat tayo ay may kanya-kanyang level ng karupukan dahil na rin sa labis nating pagmamah...
Chapter 25
Comenzar desde el principio
