"Just enjoy dancing in the rain, Stellar. After this, you'll see the beautiful rainbow that will take all your pain away" napangiti na rin ako sa sinabi nya.

Naupo ako para pasimpleng kumuha ng putik. Nagtatakang tumingin sya sakin at bumaba na rin para magkapantay ang mga mukha namin. Agad ko namang pinahid sa mukha nya ng putik na nasa kamay ko kaya napapikit sya. Tawa ako nang tawa dahil ang dumi ng mukha nya.

"Ah, ganito ang gusto mo ha" nanlaki ang mata ko nung nakita kong dumakot din sya ng putik. Agad akong tumayo at nagtatakbo para makalayo sa kanya.

"Ayaw ko na!" Tili ko nung napansin kong palapit na sya sakin. Ang dulas kasi kaya hindi ako makatakbo ng maayos.

"Hindi pwedeng hindi ako gaganti" malokong sabi nya. Muli akong napatili nung haklitin nya ang bewang ko at niyapos ako mula sa likod.

"Gusto nyo po magpafacial, Mam?" Nakangising sabi nya kaya tinakip ko ang dalawang palad ko sa mukha at pilit na umiiwas sa kanya.

"Ayaw! Bitaw Paul Aries! Isusumbong kita kay Daddy!" Sigaw ko pero parang wala syang narinig. Unti-unting lumapit ang kanyang kamay na may putik napapikit ako.

"Ayaw na! Dirty kaya yan, maawa ka sakin"

"Dirty kaya yan" ang walanghiyang ito, ginaya pa ako!

"Paul Aries!" Sigaw ko pero patuloy lang sya sa pagtawa.

"Po?"

"Bitaw. Ang unfair mong maglaro" nakangusong sabi ko.

"Life is unfair" simpleng sabi nya.

"Okay" pagkasabi ko nun ay yumuko ako para kagatin ang braso nya na nasa bewang ko. Napasigaw naman sya at lumuwag ang hawak sakin. Sinamantala ko ang pagkakataon para makatakas sa kanya.

Namewang ako sa harapan nya at binelatan sya.

"Indeed, life is unfair" natatawang sabi ko kaya napailing nalang sya.

Nanlaki ang mga mata ko nung bigla nyang nilapat sa pisngi ko yung palad nyang may putik. Hindi pa sya nakuntento at nilamukos pa ang mukha ko.

"Kadiri naman, Paul Aries!"

"Maganda yan sa skin" tatawa-tawang sabi nya.

"Ibang putik yun!"

"Ah iba ba yun?" Parang tangang sabi nya at binitawan ang mukha ko. Nakangisi pa rin sya kaya inirapan ko sya. Tumingala ako para mahugasan yung mga putik ko sa mukha. Ganun din ang ginawa nya kaya natawa ako. Para kaming tangang dalawa na nakatingala at nakapikit.

Pagmulat ko ng mga mata ko ay matamang nakatingin sya sakin.

"I'm sorry, Stellar" biglang sabi nya kaya kumunot ang noo ko.

"Sorry for what?" Hindi sya sumagot bagkus ay kinuha ang dalawang kamay ko at ipinalibot sa leeg nya.

Inilagay naman nya ang dalawang kamay nya sa bewang ko at saka ako hinapit palapit. Sa totoo lang, bukod kay Nico ay sya lang ang pinayagan kong lumapit sakin ng ganito. Komportable ako sa kanya dahil siguro naging mabuting kaibigan sya. Nakahanap ako sa kanya ng comfort at hinding-hindi nya ako hinusgahan kahit alam nya kung gaano ako katanga sa pag-ibig.

"Anong trip mo?" Natatawang tanong ko.

"Pagbigyan mo na ako. First time ko lang may makasayaw na ganito" nakangusong sabi nya.

"Sayaw? Wala nga tayong tugtog e" ipinikit nya ang mga mata nya at nagsimulang kumanta. Ang lamig ng boses nya. 

When I see your smile
Tears run down my face
I can't replace
And now that I'm strong I have figured out
How this world turns cold
And it breaks through my soul and I know
I'll find deep inside me
I can be the one

When The Stars AlignWhere stories live. Discover now