"Edi lalayo ako" simpleng sagot nya. Tumagilid ako ng higa para makaharap din sa kanya.

"Masasaktan din ako pag lumayo ako sa kanya"

"Sa pagmamahal mo, nalimutan mo na yung sarili mo. Di mo ba naiisip na kaya ka nya hinahayaang masaktan dahil wala na syang pakialam?" parang sinuntok yung puso ko sa sinabi nya. Expected ko na yun pero masakit pa rin palang isampal sayo ang katotohanan.

"Are you saying na hindi na nya ako mahal?"

"Ewan ko, hindi ko naman kilala yung tinutukoy mo" kibit balikat nyang sagot kaya wala na akong nagawa kundi ang ikwento sa kanya ang lahat simula nung una hanggang sa huli.

Tahimik lang syang nakikinig habang nagsasalita ako. Wala kong ibang mapagsabihan nito dahil nahihiya na akong paulit-ulit na magkwento sa mga kakilala ko. Nangingiti ako nung naalala ko kung paano kami nagsimula, naiiyak ako nung naalala kung paano kami sa gitna at tuluyang tumulo ang luha ko nung naalala kung ano yung nangyari kahapon.

"May pagmamahal na hindi makasarili, Stellar" pagkuwa'y kumento nya.

"Ha?"

"Minsan may mga bagay na hindi tayo naiintindihan kaya tayo nasasaktan pero hindi naman siguro nya intensyong saktan ka. Baka sadyang hiningi lang ng pagkakataon"

"Sinasabi mo bang pagkatiwalaan ko sya ulit at magbulag-bulagan nalang ako sa mga nangyayari?"

"Hindi. Ang sinasabi ko lang, ay mahalin mo muna yung sarili mo."

"Paano ko gagawin yun?" Bumuntong hininga sya at umayos ng higa. Ganun din ang ginawa ko.

"It takes time" pareho na kaming nakatitig sa kalangitan at pinagmamasdan ang mga bituin sa langit.

"Tingnan mo yung mga bituin, magaganda sila, diba?" Pagkuwa'y sabi nya kaya tumango ako bilang pagsang-ayon.

"Masarap silang abutin pero napaka imposible kaya nakuntento nalang tayo sa pagtingin sa kanila habang narito pa tayo sa lupa. Pero siguro darating din yung tamang panahon na magiging isa tayo sa kanila"

"Paano?" Humarap kami sa isa't-isa. Ngumiti muna sya bago sumagot.

"Pag kinuha na Niya tayo"

"Ang lungkot naman nun"

"May mga bagay talaga na pag hindi pa panahon, kahit anong pilit mo hinding-hindi mo mahahawakan at makakamtan." Biglang tumulo ang luha ko sa sinabi nya. Umupo ako at gayun din sya. Ihinarap nya ako sa kanya at pinunasan ang luha ko.

"Alam mo, naiisip ko ngayon na sana kunin nalang Niya ako. Sana mawala na lahat ng sakit na nararamdaman ko. Punong-puno ng galit yung puso ko para kay Nico dahil puro lang sya pangako pero mas galit ako sa sarili ko dahil ang bilis kong maniwala sa kanya. Galit na galit ako pero hindi ko sya kayang kumprontrahin. Galit ako pero bakit mahal na mahal ko pa rin sya?" Sa unang pagkakataon, lahat ng hinanakit ko kay Nico simula pa noon ay nailabas ko. Sa unang pagkakataon, sumabog ako. Hindi ko na kayang magbulag-bulagan at magtanga-tangahan.

"Matalino naman ako pero bakit ang tanga ko sa kanya? Ang daya nya. Sobrang daya nya! Kung sana hindi nya ako kinausap noon, kung sana hindi nya ako nilandi landi noon sana hindi ako nasasaktan ngayon. Ang kapal ng mukha nya, sya yung nagpakita ng motibo sakin tapos ako ngayon yung hahabol habol? Tangina, prinsesa ako ng tatay ko pero alipin ako ng taong minahal ko lang naman pero mas piniling saktan ako" iyak lang ako ng iyak habang nagsasalita pero sya ay nanatiling tahimik lang at nakatitig sakin. Paminsan-minsan ay hinahaplos haplos nya ang likod ko at tinatapik tapik ang balikat ko.

"Naubos ako. Ubos na ubos na ako. Hindi ko na kilala yung sarili ko. Nawala ako at hindi ko na alam kung maibabalik ko pa yung dating ako!" Hinapit nya ako palapit sa kanya at niyakap. Iyak lang ako nang iyak sa dibdib nya.

"Ssshhh, tahan na. Tahan na, Stellar" malambing na sabi nya pero hindi maampat ng mga luha ko.

"Nagmahal lang naman ako, Paul" sumisigok sigok na sabi ko. Patuloy lang sya sa paghaplos sa likod ko.

"Dapat ba akong magalit sa kanya?" Pagkuwa'y tanong ko.

"Bakit ka magagalit sa isang taong minsan rin namang nagpasaya sayo? Hindi mo kailangang nagalit, Stellar. Ang kailangan mo lang ay patawarin at mahalin muna yung sarili mo." Hindi ko alam kung bakit ngayon ko lang nakilala ang taong to. Sa ilang saglit na kasama ko sya ay marami akong natutunan sa kanya.

"Bakit ngayon lang kita nakilala?" Natawa sya sa tanong ko.

"Tanong ko din yan sa sarili ko. Bakit nga ngayon lang, kung kailan hindi na pwede pa" napakunot ang noo ko pero ngumiti lang sya.

"Hanggang kailan mo ko sasamahan?"

"Hanggang sa matapos ang trabaho ko" nalungkot naman ako.

"Madali lang naman matatapos tong garden namin e. Di naman kalakihan ito" nakangusong sabi ko habang pinupunasan ang mga luha ko.

"Hanggang sa makita kong okay kana. Hanggang sa makabawi ako sa lahat ng kasalanan ko" hindi ko sya maunawaan pero pinili ko nalang ang manahimik at wag nang magtanong pa.

When The Stars AlignWhere stories live. Discover now