"Kaya ko naman siguro" nakayukong sabi ko. Ewan ko ba, may something sa pagkatao nya na madaling pagkatiwalaan. Siguro dahil alam kong hindi nya ako huhusgahan.

"Siguro? Mahirap yan" bumuntong hininga ako at nagtuloy sa pagkain.

"Kaya ko naman e. Kaya ko naman talaga pero bakit ngayon parang hindi na?" mahinang sabi ko. Napatingin naman sya sakin at napakunot ang noo nya. Ilang sandali pa ay napatango tango sya na parang naiintindihan ako.

"Tara?" Napamaang ako sa kanya nung inilahad nya ang kamay nya sa harapan ko. Nakangiti sya sakin at may pagkindat pa nung tumingin ako sa mga mata nya.

"Saan?"

"Dun sa garden nyo" kahit naguguluhan ay dahan-dahang inabot ko ang kamay ko sa kanya. Inalalayan naman nya akong makatayo at sabay kaming naglakad patungo sa garden ng bahay namin.

Hindi kalakihan ang garden namin pero sobrang payapa at masarap tambayan. Madaming mga bulaklak dahil iyon ang libangan ni Mommy pag naiinip sya dito sa bahay.

Pagdating namin doon ay may kubo na sa gitna pero hindi pa masyadong gawa. Hindi ko masyadong makita yung ibang disenyo dahil madilim na.

Kumuha sya ng isang blanket at nilatag iyon saka ako inalalayang makaupo.

"Hindi pa tapos dahil kahapon lang naman ako nagstart" pagkuwa'y sabi nya.

"Hindi ko alam na kukuha pala si Daddy ng mag-aayos nito" wala kasi syang nabanggit sakin.

"Ah, nagvolunteer ako" kakamot-kamot sa ulong sabi nya kaya napalingon ako sa kanya.

"Ha? Bakit wala ka bang ibang projects?"

"Grabe ka naman. Maraming nagkakandarapang kunin ako, no!" Mayabang na sabi nya at may pagsuntok pa sa dibdib kaya napailing nalang ako.

"E bakit ka nga nandito? Kayang kaya ko namang ayusin tong garden namin. Wala nga lang akong time" mataray na sabi ko.

"May malaking kasalanan kasi ako sa kanya" mahinang sabi nya at humiga. Inunan nya yung dalawang braso nya at tumingin sa kalangitan.

"Ano yun?" Curious na tanong ko. Nagkibit balikat lang naman sya.

"Sabi mo, kaya mo naman ayusin to, pero wala ka lang time diba?" Pagkuwa'y sabi nya.

"Yeah?" Lumingon ulit ako sa kanya.

"Wala kang time o wala ka lang talagang balak gawin?" Umiwas ako ng tingin at niyakap ang tuhod ko. Ipinatong ko doon ang baba ko.

"Pareho siguro?" Para kasi sakin okay na naman yung lugar. Sanay na ako sa ganun at hindi ko na kailangan ng panibago.

Mahina syang natawa.

"Alam mo, hindi porket maganda sa paningin mo ang isang bagay, hindi mo na babaguhin. Hindi porket komportable kana sa isang lugar, iyon at iyon nalang ang babalikan mo. Sometimes, we need to explore to find the things that we don't know that we needed."

"Diba pagiging walang kakuntentuhan yun?"

"Maaari pero hindi naman masamang sumubok ng ibang bagay lalo na kung ito yung makakabuti sayo"

"Yung garden pa ba ang pinag-uusapan natin?" Natawa naman sya sa tanong ko. Dahan-dahang hinila nya ako pahiga sa tabi nya. Napatingin ako sa kalangitang punong puno ng bituin.

"Ano pa ba ang gusto mong pag-usapan?" Pagkuwa'y sabi nya.

"Anong gagawin mo pag yung nagpapasaya sayo, yun din ang dahil kung bakit ka nasasaktan?" Tanong ko sa kanya. Itinukod nya ang braso nya at ipinatong ang pisngi nya dun para makaharap sya sakin.

When The Stars AlignWhere stories live. Discover now