S'ya na rin daw bahalang gumawa ng excuse letter para bigyan ako ng special project para di mahuli ang grado ko lalo na't topnotcher pa naman din ako.

Minsan ay mangungulit s'yang dito na daw s'ya matutulog sa may sala para daw may kasama ako sa bahay. Panay naman ang tanggi ko dahil hiyang hiya na ako sa pagsusungit sa kan'ya kahit ang totoo ay ang laking tulong na sakin ang pinaggagawa n'ya habang wala ako sa school.

Ngayon ko lang kase s'ya nakitang nagsusulat sa klase para hatiran ako ng notes dahil sa pagkakaalam ko ay magpapangalumbaba lang s'ya sa klase hanggang sa matapos nang walang natutunan at walang mga notes.

Nag-aalala na nga rin ako kay Mama kase hindi na ako nakakabisita. Ilang araw na rin kase ng tangkain kong lumabas ng bahay para maghanap buhay lalo na at tumatawag na ang coffee shop sa bagog trabahong pinasukan ko.

Kaso 'di natutuloy dahil kaagad akong naabutan ni Blake na nakabihis at magpaplanong aalis. Ang alam n'ya lang ay may pupuntahan ako pero ang 'di n'ya alam, may trabaho lang ako sanang pupuntahan.

Napapaisip ako na baka sesantehin ako. Ganon na lang ang pagkabigla ko ng pumayag naman si Sir Dewei daw na di muna ako pumasok sa dahilan ko, kahit di pa man ako nag-uumpisa ng trabaho ay may bakasyon na agad ako.

Kataka taka di ba? Posible iyon pero di ko inaasahang ganon kabilis papayag si Sir Dewei na pabakasyunin ako ng maaga.

Mapunta naman tayo sa trabaho ko sa companya bilang janitress. Nung hapon na sinubukan kong pumasok para sana gawin ang pinag-uutos ni Sir Cafaro na magresign na ako kahit di ko alam kung totoo ba 'yon o panaginip lang ang mga pangyayaring iyon at inutusan magresign ay may kutob akong dapat sundin ang mga sinasabi ni Sir dahil parang manganganib ang buhay ko kung di ako susunod.

Ngunit nung hapon rin na 'yon ganon na lang ang gulat ko ng hindi man lang ako maalala nung mga trabahante doon! Maski si manong guard na nagiging close ko minsan ay di rin ako naaalala.

Ang mas nakakagulat pa doon, nalaman kong wala daw roon nagtatrabahong Eda Ilaria Gaviola ang pangalan.

Sa mga oras na iyon ay pakiramdam ko, saglit akong nabura sa mundo. Di ko rin nadatnan si Mr. Amato doon.

Madapo naman tayo kay manong tricycle driver. Muli ko s'yang nakita nung araw na nagpumilit ako kay Blake na sumama sa pamimili ng palengke dahil baka mali mali ang bilhin nito. Balak n'ya pa akong lutuan nung mga oras na iyon.

Nagtatampo tampuhan pa ako sa mga oras na iyon dahil ayaw n'yang pumayag na sumama ako ng di ako nakalakad ng maayos. Sa huli ay sumuko rin s'ya dahil ako pa rin ang masusunod. Di na rin naman kase gaano kasakit ang paa ko nung mga oras na iyon.

Habang inaantay ko s'ya sa kotse n'ya dahil nagbabayad pa si Blake nong mga pinamili namin, bigla kong nakita si manong driver doon mismo sa palengke, nagpapasada.

Sinubukan ko pa itong kausapin, sa una ay inakala ko pang nagsusungit s'ya sakin pero ganon na lang din ang pagkagulo ng utak ko at pagkabigla ng hindi n'ya rin ako maalala. Maski sinabi ko ang address ng bahay na pinuntahan namin ay wala daw s'yang alam na ganong lugar.

'Leche flan talaga, ang wiwirdo na ng mga nangyayari!'

"Ay leche flan ka! My gas! Juice colored!" nasabi ko sa pagkabigla ng may mainit na hininga na hinipan ang mismong tenga ko dahilan para medyo makiliti ako doon at mapaigtad sa kinauupuan mula sa malalim kong pag-iisip.

Hindi sa OA makareak pero, nadala na ako sa ginawang pagkagat ni Sir Cafaro sa tenga ko n'on.

Napangiwi ako nang humalakhak ng tawa itong mokong na 'to, s'ya lang pala.

Sangue Dolce ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon