"Cala?!" Bumukas ang pintuan ng cr at niluwa noon si Nico. Nanlaki ang mga mata ko at nalimutan ko ang takot nung nakita ko ang ayos nya. Kunot na kunot ang noo nya pero hindi yun ang nakakuha ng atensyon ko. Nakahubad sya at towel lang ang tapis nya sa pambabang bahagi. Hindi pa ata sya tapos maligo dahil may bula bula pa sya.

"Bakit ganyan ang hitsura mo?!" Sigaw ko sa kanya. Lumapit sya sakin at inalalayan akong bumalik sa kama.

"Tatakasan mo ako?" Yumuko ako at hinawakan ang laylayan ng dress ko. Nakakainis kasi yung kidlat, nahuli pa ako! Lord, di Mo na po ba ako love?

"Ah, hindi. Maghahanap lang ako ng pagkain. Gutom na ako e" palusot ko. Tumango tango naman sya at may kinalikot sa bedside table. May landline pala dun. Tumawag sya sa room service.  Tingnan mo tong lalaking to, sanay na sanay sa ganito!

"Wag kang aalis. Hintayin mo yung room service" inirapan ko lang sya. Bumalik naman sya sa cr at naligo na ata ulit.

Kinuha ko nalang ulit yung phone ko at naglaro nalang ng candy crush. Wala na ata akong magagawa dahil masyado atang malakas ang back up nya ngayon. Mabilis lang naman matatapos ang gabi.

Ilang sandali pa'y dumating na yung food na inorder nya. Awtomatikong napangiti ako nung nakita ko ang pagkain. Kanina pa ako nagugutom e. Napalingon naman ako sa cr nung bumukas yun. Napangiti sya nung makita ako kaya inirapan ko lang sya.

Ganun pa rin ang hitsura nya, nakatapis lang ng tuwalya. Hindi ko tuloy mapigilang makaramdam ng pagkailang. Nakita ko na namang hubad sya dati pero inosente pa ng slight ang pag-iisip ko noon. Yung mga kaibigan ko kasi, kanya-kanyang bida ng mga kamunduhan nila ng jowa nila kaya na-corrupt na rin yung isip ko.

"Kain na tayo?" Alok nya kaya tumango nalang ako. Binigay nya sakin ang pagkain ko kaya tahimik na nagsimula na akong kumain. Hindi ako makatingin sa kanya. Mas lumaki ang katawan nya kumpara noon. Siguro ay dahil nagmature na rin sya.

"Di kaya pulmunyahin ka nyan?" Hindi na ako nakatiis magtanong. Bakit kasi may pa-biceps si Koya?! Napansin ko rin ang malaking peklat nya dun. Wala yun dati ah.

"Wala nga po akong extra na damit"

"Napano yan?" Nginuso ko yung peklat nya. Umiwas naman sya ng tingin bago sumagot.

"Katangahan" simpleng sagot nya. Hindi na ako nagtanong dahil mukhang ayaw nyang pag-usapan saka wala naman akong karapatang magdemand ng sagot.

Nung natapos na kaming kumain ay niligpit na nya yung mga pinagkainan namin. Pumasok naman ako sa cr para maghugas ng kamay. Buti nalang lagi akong may dalang hygiene kit sa bag kaya nakapagtoothbrush, hilamos at nakapaglinis ako ng katawan.

Paglabas ko ng banyo ay nadatnan ko syang nakaupo sa edge ng kama kaya napakamot nalang ako sa ulo ko. Kailangan ko ba talagang makasama sya? Bakit ba ako nasadlak sa ganito?

Tinapik nya ang space sa tabi nya kaya nakangusong umupo ako dun. Maisip ko palang ang mukha nina Eunice pag nalaman to, kinakabahan na ako. Sure akong makakalbo ako ng wala sa oras.

"Tatabi ka talaga sakin sa pagtulog?" Alanganing tanong ko. Kinalkal naman nya ang bag ko at kumuha ng suklay dun. Pinatalikod nya ako sa kanya at sinimulang suklayan.

"May nakikita ka bang ibang higaan dito?"

"Edi wag nalang tayong matulog"

"Anong gagawin natin?" Ano nga ba? Wala rin akong maisip. Sure din naman akong hindi sya magkukwento kaya mabubwisit lang ako.

"Bato-bato pik?" Suggestion ko. Natawa naman sya.

"Hanggang madaling araw?"

"Ee, wala akong maisip" matapos nya akong suklayan ay pinaharap nya ulit ako sa kanya. Nakaharap ko tuloy ang matipuno nyang dibdib. Pinasingkit ko ang mata ko nung may nahagip akong tattoo nya sa dibdib. Malapit sa puso. Maliit lang yun at cursive word. Simpleng 'Freedom' yung nakalagay.

When The Stars AlignTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon