Hindi pa rin ngumingiti si Miggy nang lumapit siya sa'kin. "Are you asking me to break up with Deanna too?"

Umiling ako. "Wala naman akong sinasabing gano'n."

"But you want to tell Quentin the truth," sabi niya bigla. "You know what it means, right? He's friends with Deanna. And you can't expect him to accept your reason easily. Do you think na hindi siya masasaktan sa oras na malaman niya na magpapakasal tayo?"

Mahinahon man ang pagkakasabi niya no'n ay tila ramdam ko na galit siya. Tama naman si Miggy, alam kong masasaktan si Quentin. Huminga nang malalim si Miggy at napahilot sa sentido.

"Let's talk about this tomorrow, I'm tired," walang ganang sagot niya saka pumasok sa loob ng kotse. Wala na rin akong ibang nagawa kundi sumakay.

Hanggang sa makauwi kami ng bahay ay wala nang nag-imikan pa sa'min. Pero noong gabing 'yon ay nahirapan akong makatulog.

Kung okay lang kay Miggy kung ano ang maging relasyon ko kay Quentin, ibig sabihin ayaw niya lang sabihin ko kung anong totoo? Nang sa gayon ay hindi rin malaman ni Deanna ang totoo?

Pero... Anong sasabihin kong dahilan kay Quentin sa oras na sinabi ko sa kanya na makikipagbreak na ako sa kanya?

Parang ang sakit lang kapag ang dinahilan ko lang ay hindi ko siya mahal. Hindi kasi 'yon ang totoo, mahal ko naman siya pero hindi sa gano'n. Mahal ko siya bilang tunay na kaibigan ko. At hindi ko kayang ibigay ng buo at tapat ang pagmamahal ko ngayong nakatali na ako sa iba.

May parte sa'kin na ayokong saktan si Quentin. Kung hindi ako makikipaghiwalay sa kanya hanggang kailan ko kakayaning maglihim sa kanya? At hanggang kailan din itatago ni Miggy kay Deanna ang totoo?

Hindi ko namalayan na sa sobrang pag-iisip at pag-aalala ko'y nakatulog na ako. Nagising tuloy ako kinaumagahan na masakit ang ulo, siguro dahil 'to sa kaunting light beer na nainom ko, hindi naman kasi ako sanay talaga uminom.

Mabuti na nga lang at mamayang hapon pa ang pasok ko ngayon. Pwede pa akong umidlip ulit para mawala 'yung sakit ng ulo ko.

Paglabas ko ng kwarto para mag-agahan ay naalala ko bigla ang sinabi ni Miggy. Ngayon ata kami mag-uusap tungkol sa naging pagtatalo namin kagabi. Bigla tuloy akong nawalan ng loob. Hindi ko pa rin kasi alam kung anong gagawin ko.

Pagkapasok ko sa loob ng kumedor ay kumulo agada ng tiyan ko nang maamoy ang masarap na agahan. Binati ako ni Manang nang makita ako, si Miggy naman ay abala sa pagbabasa ng libro.

"Kain na!" masayang yaya ni Manang sa'kin at nahihiyang umupo ako malayo kay Miggy.

Parang may bumara sa lalamunan ko at hindi ko magawang batiin ng good morning si Miggy. Paano ba naman kasi kay aga-aga ay magkasalubong 'yung kilay niya, natatakot tuloy ako na kausapin siya.

"Anong oras ang klase mo?" tanong niya bigla habang nakatingin pa rin ang mga mata sa binabasa niya.

"M-mamayang hapon pa naman," sagot ko. Tinatanong niya ba 'yon kasi mahaba-habang usapan ba tungkol sa naputol naming usapan kagabi?

Magsasalita pa sana si Miggy nang biglang marinig namin ang tunog ng doorbell. Dali-daling lumabas si Manang. Nagkatinginan pa kami ni Miggy, parehas kaming nagtataka kung sino ang bisitang dumating.

'Di kaya'y Tita ni Miggy? O baka naman si Quentin? Bunga siguro ng pag-ooverthink ko. Mayamaya'y bumalik si Manang sa kumedor.

"May bisita kayong dalawa," sabi ni Manang sa'min. Sabay pa kaming napatayo ni Miggy at nagpunta sa sala.

"Good morning!" halos malaglag naman ang panga ko nang makita ko si Poknat. "Mingming! Miggy!" Sinalubong niya kami ng mahigpit na yakap.

"Poknat? Bakit ka nandito?" gulat kong tanong nang bumitaw siya sa'min. Naupo kami sa sofa, si Miggy naman ay walang inusal.

Dalaga na si RemisonWhere stories live. Discover now