Chapter 1 part 1

100K 1.5K 52
                                    

@ddianne26



Chapter 1 part 1


Only love comes naturally is a true love ito ang motivation ni Ellie para hindi sumuko sa paghahanap ng kanyang true love. Halos limang taon na rin ang lumipas mula ng mabilad sa kahihiyan ang pamilya niya at ito ay dahil sa kagagawan ng walanghiya niyang ex but she's still looking forward for a romantic wedding at the very end, but when is the right time?



"Ellie, kalimutan mo na si Ryan you have to move on. Imagine next month 30 years old ka na." Nag-aalalang sabi ng kanyang nakatatandang kapatid kasalukuyan silang nagdidinner sa isang restaurant. Ang buong akala ni Luisa ay nagkatrauma ng magmahal muli ang nakababatang kapatid.



"Ate,that was five years ago syempre nakapagmove on na ako. Hinihintay ko lang ang true love ko." Nakangiting sabi ni Ellie habang patuloy ito sa pagkain ng dessert.



"That's right! Naalala ko yung sabi ng isang writer that waiting is a sign of true love and patience. Anyone can say I love you but not everyone can wait and prove it's true." Nakangiting sabi ni Luisa habang pinagmamasdan ang kapatid.



"And he's not necessarily a good looking." Pang-aasar ni Ellie sa kanyang ate.



Natawa na lamang si Luisa sa sinabi ng kapatid. "Bahala ka kahit anong hitsura pa niya basta mamahalin ka lang niya ng tapat masaya na kami ng papa."

 

 


Nagtataka talaga si Luisa dahil pagkatapos ng eskandalong yun ay hindi na muling nagkaroon ng nobyo ang kapatid. Napakaganda ni Ellie dahil namana nito ang features ng kanilang ina na may lahing Spanish. Bagay sa kanyang hugis pusong mukha ang malamlam na mga mata, malalantik na pilik mata, mapupulang mga labi at ang matangos nitong ilong idagdag pa ang malakrema niyang kutis. Halos walong taon ang agawat ng edad nilang magkapatid kaya naman ganun na lamang kung protektahan niya ito.



"Kaya lang ate minsan naiisip ko ang tagal dumating ng true love na yan." Nailing si Ellie, dahil kahit siya ay may pag-aalinlangan na rin.



"Be patient my lil sister, it can be tomorrow, next week, next month huwag lang sanang abutan ng next year." Pagbibiro ni Luisa.



Natawa na si Ellie sa huling sina ng kapatid.


"Gusto mo bang mag set ako ng blind date? You need to expose your beauty Ellie hindi yung lagi ka na lang nakatutok sa mga negosyo natin sa probinsiya kung hindi ko pa sasabihing may sakit ako hindi mo ako bibisitahin dito. Dalasan mo ang pagluwas dito sa Manila baka naman dito mo makikita ang destiny mo." Payo ni Luisa.

Love Begins Here (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon