"Ate please yan ang huwag na huwag mong gagawin, what I want is not that kind of cheap romance. Kawawa naman kasi ang papa kaya hindi ko siya maiwan. "



Hindi na lamang kumibo si Luisa ayaw niyang mapasama ang loob ng kapatid kung patuloy niyang ipagpipilitan dito ang gusto niyang mangyari.



"Ellie, may pupuntahan pa ako pero ipahahatid kita sa driver..."



"Ate, kaya ko ng umuwing mag-isa. I'll just take a cab and besides bibili na rin ako ng pasalubong para kay papa."



"Okay, basta kapag nasa bahay ka na magmessage ka para hindi ako mag-alala."




Itinirik na lamang ni Ellie ang mga mata, kanina halos ipagtulakan siya nitong makipagblind date ngayon naman sa edad niya na ito ay nag-aalala pa ang kanyang ate kung makakauwi ba siyang mag-isa. Minsan hindi niya rin maintindihan ito, kapareho nito ang kanilang papa.


________________


Samantalang sa mansion ng mga Monteverde ay panay ang reklamo ni Althea sa asawa tungkol sa panganay na anak dahil sa mga nababalitaan niyang pagpapapalit-palit nito ng mga girlfriend. Katulad ngayon may usapan na silang mag-anak na magdidinner ng sabay-sabay pero si Dale Rafael ay hindi pa rin nagpaparamdam kung darating pa ba.



"Ako na ang bahalang kakausap kay Dale." Buntonghininga ni Gabriel dahil siya rin ay hindi na alam kung paano mapatitigil ang pambababae ng anak. "Ang mabuti pa huwag na natin siyang hintayin baka may kasama na namang babae." Patuloy nito.




"Tatawagan ko ang batang yun masasanay siyang balewalain tayo kung hahayaan natin ito." Sabay dampot sa telepono ni Althea.



"Mama napatawag ka?" bungad ni Dale sa kabilang linya.



"Dale Rafael where are you? Mukhang nakalimutan mo ang usapan natin?" mababakas ang kaseryosohan sa boses ni Althea.



"May dinaanan lang po ako dito sa mall but after this uuwi na ako. I didn't forget our dinner medyo  late nang natapos ang last meeting ko. Sorry Ma, but I promise babawi ako mamaya." Paliwanag ni Dale sa ina. Kung kalian naman kasing may nakaschedule siyang dinner sa pamilya ay saka naman makikipagkita ang mga kaibigan kaya napagdesisyunan niya na daanan muna ang mga ito kahit sandal lamang bago umuwi.




Nang makarating sa restaurant ay inabutan na niya ang limang kaibigan. Kompleto na ang mga ito at sadyang siya na lamang ang hinihintay. "Mukhang nagkakatuwaan na kayo." Nakangiting bungad niya sa mga ito.



"Akala namin hindi na darating ang CEO." Pang-aasar ni Jonathan ang unag nagpakatanga sa kanilang grupo. Para sa kanya ang pagpapakasal ay isang katangahan kaya wala sa bokabularyo niya ang magpatali sa isang babae.


 

"I can't stay long may family dinner din kami and I can't say no to my mother." Sabay upo nito sa bakanteng silya. Kanya kanyang reklamo ang narinig niya mula sa mga kaibigan at hindi nila alintana na nakakaagaw na sila ng pansin sa mga taong nasa loob ng restaurant.




Naagaw ang atensiyon ni Ellie sa anim na lalaking nasa kabilang mesa. "Ate ang iingay naman ng mga yan parang sa kanila ang buong restaurant." Nakasimangot niyang reklamo sa kapatid, hinihintay na lamang nila ang credit card ni Luisa.



"Don't mind them dahil isa mga iyan ang may ari nito, galling ang mga yan sa mayayamang pamilya." Pagbibigay impormasyon nito sa kapatid.



Nagkibit na lamang ng balikat si Ellie, mabuti na lamang ay paalis na sila.



"Dude, ang ganda ng babaeng yun oh." Sabay nguso ni Jonathan sa kabilang mesa. Kitang kita nila ang pagsimangot nito.



"What a hot babe?!" komento ni Dale.



"May idadagdag ka na naman sa collection mo." Pang-aasar ni Oliver, kilala niya ang likaw ng bituka ng kaibigan. Sa kanilang lahat ay si Dale ang pinakamaloko sa babae.  


"Mukhang suplada, paano makakafirst base si Dale?" patuloy ni Oliver.



"It's not my lost kung hindi niya ako papansinin." Mayabang na turan ni Dale. Pero totoo ang sinasabi ng mga kaibigan na napakaganda ng babae sa kabilang mesa pero wala siyang oras ngayon sa pambababae dahil ang pinaimportanteng babae sa buhay niya ay naghihintay sa mansion nila.



___________________

A.N.

Guys patikim pa lang yan :) sana magustuhan ninyo.




Love Begins Here (Completed)Where stories live. Discover now