36 - Sorry? May nagagawa ba yung sorry mo?

Начните с самого начала
                                    

Nandito yung nagsama na ang Universal ng solo artist – na si Queenie para magperform at maghost na rin sa concert. Rookie pa lang siya kaya magandang exposure daw ito sa kaniya. Opening act na din namin ang isa pang rookie band ng Universal. May mga special numbers pa kami at covers na pinrepare outside the album that we will release the same month.

When he opens his arms and holds you close tonight,It just won’t feel right,Cause I can love you more than this, yeah—“

Ang dami daming nangyayari!

Ni hindi ko na alam ano ang uunahin.

“Shit. Sorry. Nawala ako.” I said nang mapahinto ako sa pagkanta at yumuko dahil sa hiya.

It’s two in the afternoon at nagre-rehearse pa din kami. We started at eleven in the morning na dapat ay nine thirty. Pero dahil late si Lemuel dahil sa isang emergency ay hindi kami nakapagumpisa ng maayos, so we waited for him to arrive. Kaya eto, lumipas na ang lunch ay hindi pa rin kami nakakapagbreak kahit water break man lang dahil wala sa mood si Kyle.

Actually, simula nang nagumpisa ang rehearsals for the concert ay lagi na siyang wala sa mood. Laging mainit ang ulo niya at mas naging masita siya. Simpleng mali lang at palya ay naninigaw na siya. I know for a fact na hindi ito dahil sa nalalapit na concert. He’s mad not because of it.

He’s mad because of me.

“Corr. Ano ba!” He shouted, kahit na nasa gilid ko lang naman siya. Sa liit ng recording room na ‘to ay dumadagungdong na yung boses niya.

“Sorry. Nawala ako sa chorus—”

“Kahapon ka pa nawawala! Ilang araw na lang at concert na natin. When do you plan on memorizing the lyrics? Hindi naman pwedeng may lyrics book ka sa harap mo pati sa concert. Doesn’t mean it’s not your song ay hindi ka na mage-effort for it!” Dirediretsong sigaw niya na hindi ko alam kung ano ang pinaghuhugutan.

Naninibago ako, naninibago ako sa kaniya. He’s usually calm and patient towards me. Pero ibang iba na siya ngayon sa akin…

But I try to understand him… I need to. He’s just hurting.

 

Fine. I know until now ay hindi ko pa rin nakakabisado ‘tong kanta na siya ang nagcompose. But for Pete’s sake! Wala naman ito sa original line up namin. Binigay lang sakin ‘to noong weekend at ano, gusto niya kabisado ko na agad after two days?

Gusto ko din siyang sigawan pabalik at sabihin lahat ng yan. Pero hindi ko magawa. I hurt him kaya siya nagkakaganyan. Ako ang may kasalanan kung bakit ganiyan ang pakikitungo niya sakin.

But ano ba naman… magdadalawang linggo na siyang ganito sa amin… sa akin. I tried to approach him the first day pero siya na mismo ang umiwas.

“Sorry.” I apologized like I always do, without looking back at him. Kahit hindi ko siya tignan ay alam ko kung gano kasama ang tingin niya sa akin. Matalim at punong puno ng hinanakit.

Ayoko ng patulan pa, ayoko ding balikan pa siya ng sigaw din na ginagawa niya kasi alam kong makakasama ito sa buong banda. I want to be the bigger person here—

“Sorry? For fuck’s sake, Corr! You always say sorry! You always say the same thing! Sorry ka ng sorry! May nagagawa ba yung sorry mo?! Wala naman di ba!” Galit na galit pa din na sigaw ni Kyle.

For a second, I feel like he’s not Kyle anymore. Not the Kyle I used to know. Gentle… Thoughtful…

Hindi itong nasa harap ko na nagbibitaw ng masasakit na salita sakin.

What happened to us? Season 1Место, где живут истории. Откройте их для себя