Chapter 41

1.3K 65 1
                                    

Bago ako umalis. Mag picture muna tayo, para parati kitang ma-aalala,” nakangiti niyang saad sa akin.

Tumango naman ako, lumapit naman kami sa maid niya.

Yaya, kuhanin mo nga kami ng litrato.” Napatango naman ang yaya sa sinabi ni Ken.

And nag picture nga kami, bago sila umalis.

*End of flashback*

At ako 'yung taong nakalimot sa kanya. Bakit ngayon ko pa na alala? Isinuli ko naman sa kanya ang litrato.

“Sayo na 'yan,” sabi ko.

Sa'yo na ito, baka makalimutan mo pa ako,” sabi niya.

Napailing naman ako at agad kinuha ang cellphone ko.

“Say cheese!” sabi ko at nagpicture na kami.

Ngumiti naman siya at ganun rin ako, iniligay ko na sa bulsa ko ang cellphone ko bago tumingin sa kanya.

Kenzo.” Napatingin naman siya sa mga mata ko.

Agad ko naman siya hinalikan sa pisnge, bago ngumiti na tumingin sa kanya. Namula naman siya dahilan upang matawa ako.

“Then...” Malungkot naman akong ngumiti sa kanya. 

“I Princess Aviana Salazar Ramos signing off as your girlfriend.”

“I Timothy Kenzo Valdenor Inciso....signing off....as your boyfriend,” nakangiti niyang sabi.

“Sorry Kenzo, if hindi ko—” naputol ang sasabihin ko ng agad niya nilagay ang hintuturo niya sa labi ko dahilan upang mapatahimik ako.

“I know....but i still love you, Aviana,” mahinahon niyang sabi sa akin.

“I'm happy to hear that. Sigurado ako na swerte 'yung babaeng makakatuluyan mo,” sabi ko sa kanya. “I will miss you.”

Ngumiti naman siya sa akin.

“Sir Inciso, hali na po kayo,” tawag sa kanya ng butler niya.

“Goodbye my princess.”

“Goodbye my prince.”

Parang nag slow mo lahat nung nagsimula na siya maglakad papalayo sa akin. Salamat sa lahat Ken, marami kang naitulong sa akin. Masaya ako at nakilala kita. Lumapit naman si Nathan at Illy sa akin.

“Sayang naman si Inciso,” sabi ni Illy, napatingin naman siya sa akin. “Sigurado ka bang wala kang nararamdaman sa kanya?”

Napailing naman ako, “Hanggang friend lang talaga ang turing ko sa kanya.”

“Tsk, at hindi na niya kailangan si Inciso. Nandito naman ako eh,” sabi ni Tim.

Obsessive Love Disorder 1Where stories live. Discover now