Chapter 20

1.9K 71 7
                                    

Nasilayan ko naman si Ken sa harap ng restaurant. Agad naman ako tumakbo papalapit sa kanya.

“Sorry, i'm late,” sabi ko.

Napatingin naman siya sa'kin at hinead to foot ako, napalunok naman ako ng laway. Panget ba ang suot ko?

“Pasok na tayo.” Napatango nalang ako.

Teka ito 'yung pinakasikat na restaurant dito sa pilipinas ang Per Se Restaurant, at ang sabi pa nila. Ang may invitation lang raw ang makakapasok dito, at makakatikim ng mga pagkain nila.

And ang mga pagkain nila is mga mahal, at ang lowest price dito is naaabot sa mga 100,000 pesos. Kahit pa mayaman kami, sigurado akong mauubos ang pera namin dito in just 1 year. Nakakaloka.

Hinabol ko naman si Ken.

“Are you sure na dito tayo kakain?” tanong ko.

Napatango naman ito, napalunok naman ako ng laway sa sagot niya.

“Eh mukhang mahal dito eh,” sabi ko.

“Don't worry, ang pamilya ko ang nagmamay ari ng restaurant na 'to.” Nagulat naman ako sa sinabi niya.

“What?!” Napatingin naman ang lahat ng tao sa'kin. “Hehehe sorry po.” Agad naman sila nagbalikan sa kanilang pagkain.

Napahinga naman ako ng malalim. Sinalubong naman kami ng lalaking nasa mga 30s.

“Hello sir—sir Inciso?!” gulat na sabi ng lalaki.

“Dito ako, kakain ngayon,” sabi niya.

Napatingin naman sa'kin ang lalaki, dahilan upang umiwas ako ng tingin.

“Girlfriend.” Napatingin naman ako kay Ken.

“Oh i'm sorry ma'am, dito po kayo,” sabi niya sa'min.

Pumunta naman kami sa number 4 table, at umupo na kami.

Binigyan naman kami ng waiter ng tig iisang menu, nagsimula na akong mamili ng pagkain at halos hindi ko kayang makatingin sa presyo dahil sa sobrang mahal!

Nakapili ka na ba?” tanong niya.

“Hindi ba't sobrang mahal nito?” bulong ko sa kanya.

“Libre ko 'yan.”

“What? Seriously? Hindi ba't nakakahiya,” bulong ko.

“You're my girlfriend, kaya hindi ka dapat mahiya,” sabi niya.

Napahinga naman ako ng malalim.

“Isang hip bistro,” sabi ko.

“Mamili ka pa.” Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya.

“Wag na, i'm on a diet,” nahihiya kong sabi sa kanya.

“Waiter, i-introuduce mo nga ako sa GIRLFRIEND ko,” ani niya.

Nagtaka man ang waiter pero agad rin ito nagsalita.

“Timothy Kenzo Valdenor Inciso, 15. Isa sa top 2 na pinakamayaman sa buong bansa, ang parents niya ay may 200 companies taga ibang bansa, and kumikita sila ng billion-billions taga month, at ang anak nila ang susunod na taga pagmana ng inciso company.”

Nagulat naman ako sa sinabi niya.

“Pero bakit wala kaming alam dito?” tanong ko.

“Marami kasing tao na gusto kaming patayin para maagaw ang pera namin.” Napatango naman ako.

Obsessive Love Disorder 1Where stories live. Discover now