Chapter 26

1.6K 59 5
                                    

Tama nga ang sinabi sa akin ni Ken. Napatingin naman ako sa kanya ng seryoso, hindi pa rin siya nakatingin sa akin.

"So tell me, si Clai ba ang tumulak kay Nathan?" tanong ko sa kanya.

Dahan-dahan naman siyang napatango.

"Yes.....sorry kung hindi ko sinabi sa'yo, takot kasi ako na baka dalhin niyo siya sa mental hospital," malungkot niyang sabi sa akin.

"Bakit hindi mo nalang siya dalhin doon? Eh magagamot naman siya dun." Napailing naman siya sa sinabi ko.

"I promise to my parents, na ililihim ko 'to," sabi niya, nakatingin lang ako sa kanya. "Iyan ang last words ng parents ko bago sila pumanaw."

"Well, bakit pala may OLD si Clai?" tanong ko.

"H-hindi ko alam, pero nagsimula ito nung 5 year old palang siya," sabi niya

Illyria POV

5 year old palang siya at 10 pa ako nun, may crush siya na kaklasi lang niya. Si Nika ang pangalan.

She always visit our house, nagtataka nga ako kung bakit gusto ni Clai si Nika eh mga bata pa naman sila. At hindi ko alam kung saan siya natutong magmahal.

But one day, hindi na nakipag laro si Nika sa kanya.

"Nika! Laro tayo!" Tumingin naman si Nika sa kanya.

"Nika, sabihin muna sa kanya," sabi ng isang lalaki habang nakangiti ng nakakaloko.

Nagtago lang ako sa pader habang tinitignan sila ng palihim.

"A-ayaw ko na sa'yo! I hate you!" sigaw ni Nika.

Nagulat naman si Clai. Akmang tatakbo si Nika pero agad hinawakan ni Clai ang braso niya.

"Heh? Maglalaro pa tayo Nika, saan ka pupunta?" tanong sa kanya ni Clai.

"Clai! Bitawan mo nga ako! Nasasaktan na ako! Aray!" Agad naman ako lumapit sa kanila.

"Clai! Bitawan mo siya!" sabi ko sa kanya.

Pero tila wala siyang naririnig at parang ang tanging nakikita niya lang ay si Nika.

"Oi! Clai! Bitawan mo siya!" sabi nung isang lalaki at akmang lalapit sa kanya pero agad tumalon si Clai sa kanya.

At ng tuluyan na silang bumagsak sa sahig. Nakapatong na si Clai sa kanya at pinagsa-saksak siya ng kutsilyo.

"Clai! Stop it!" sigaw ko at pilit siyang pinigilan.

"Ah!" sigaw ni Nika.

Obsessive Love Disorder 1Where stories live. Discover now