Chapter 15

2.2K 74 10
                                    

“My gosh! Tulong!” sigaw ko habang malakas kong kinatok ang pinto.

Ilang oras na kami dito. Napahinto naman ako dahil may sumagi sa isip ko. Wait? Kami lang naman dalawa ni Clai dito. At saka kung na lock ang pinto.

Sino naman ang maglolock nito? Dahan-dahan naman akong tumingin kay Clai na ngayon ay nakatingin siya sa'kin ng inosente.

“Bakit ate?” Umiling naman ako.

Hindi kaya siya ang nag lock ng pinto? Pero bakit niya ginawa 'yun? Hindi ko muna iyan uunahin. Kung siya ang naglock ng pinto. Sigurado akong may posibility na nandito ang susi.

Kailangan ko 'tong mahanap, without him even knowing. Kung nasa kanya ang susi i'm sure hindi niya ito itatago sa mas malayo sa kanya.

Agad naman ako napahiga sa kama, nakatingin lang siya sa akin.

“Ate, inaantok ka na ba?” tanong niya sa akin.

“Oo,” sabi ko sa kanya.

“Sige ate, matulog ka nalang. Gigisingin nalang kita kapag nandyan na si mama,” sabi niya sa akin.

Napatango naman ako sa sinabi niya.

“Uum Clai.” Agad naman siya tumingin sa akin.

“Yes ate?”

“Hanapin mo nga ang susi, diyan sa kabinet. Baka kasi nandiyan.” Napatango naman siya sa sinabi ko.

Kinakapa-kapa ko naman ang kama, napangiti naman ako ng nahawakan ko ang susi.

“Ah nakita ko na!” masigla kong sabi.

Napalingon naman siya at gulat na gulat na nakatingin sa akin. Agad ko naman binuksan ang pinto at napahinga ng malalim.

“Clai, baka hinahanap ka na ng ate mo, malapit na mag ala sais ng gabi,” sabi ko sa kanya.

Napatango naman siya at matamlay na umalis. Napahinga naman ako ng malalim. Paano niya ba nahanap ang susi na 'to? At saka bakit niya tinago ang susi?

•••

“Woah, hindi ako makapaniwala na nagawa niya 'yun,” ani niya sa akin.

“At na amaze ka pa?” mataray kong sabi sa kanya.

“Hahaha hindi naman, well atleast nakalabas ka naman,” sabi ni Timmy sa'kin.

“Tsk, mabuti nalang at matalino ako.” Napangiwi naman siya sa sinabi ko. “Duh, ayaw mo pang maniwala, kung hindi ako matalino. Edi siguro hanggang ngayon. Wala pa rin kayong relasyon ni ria.”

Inumin mo na nga 'yang Macchiato mo, nilalamig na iyan eh,” saad niya sa akin.

Nandito kasi kami sa café ngayon, and as always niyaya niya naman ako.

“Tsk.” Ininum ko nalang ito.

Habang busy ako sa pag ubos ng kape ko ay kanina ko pa napapansin na nakatingin parati si Nathan sa'kin, parang hindi normal ang tingin niya sa akin. May dumi ba ako sa mukha?

Napatingin naman ako sa kanya.

“Ang ganda ko no?” palabiro kong tanong sa kanya.

Obsessive Love Disorder 1Where stories live. Discover now