Chapter 3

3.5K 117 16
                                    

What the-binasa ko ang papel na hawak na hawak ko ngayon. Nakita ko 'to sa lamesa at may mga pagkain na nakahanda roon.

Nasa america ako ngayon. May problema kasi sa kompanya ngayon. Ikaw muna bahala diyan sa bahay ha.

Nagmamahal
Mong mama.

"Nasa america pala si mama?" Napatingin naman ako sa likod at nagulat nalang ako ng nakita ko si Clai na nakatingin sa papel.

"Jusko po!" gulat kong sabi.

"Sorry, nagulat 'ata kita," nakangiti niyang pagpapaumanhin sa akin.

"A-ayos lang." Feeling ko parang gusto kong matulog sa tabi ni Illy ngayon.

Napatingin naman ako sa oras, 5:30 na.

"Clai, dito ka muna. Magbibihis lang ako," sabi ko sa kanya.

"Pwede bang sumama?" Napatingin naman ako sa kanya habang gulat na gulat.

"Hehehe joke lang." Ewan ko ba pero parang hindi biro 'yung sinabi niya.

Tumango nalang ako at pumasok na sa kwarto. Nagbihis naman ako, and i don't know why? pero parang may nakatingin sa akin.

Nilibot ko naman ang paningin ko sa paligid at wala namang tao. Siguro guni-guni ko lang 'yun.

Ng tapos na akong magbihis, ay bumaba na ako sa kwarto. At nakita ko naman si Clai na naka upo sa sofa. Napansin niya yatang nakababa na ako. Tumayo naman siya at niyakap ako.

Bakit ang hilig niyang yakapin ako?

"Ate, inaantok na ako," sabi niya sa akin.

"Umm sige, dadalhin na kita sa guest room," sabi ko sa kanya.

Umiling naman siya habang nakatingin sa akin at hindi pa rin siya kumakalas sa'kin.

"Gusto ko tabi tayo matulog," sabi niya habang nagpapacute.

"What?!" gulat kong ani sa kanya.

"Ate, takot ako mag-isa, b-baka may multo sa guest room," sabi niya sa'kin.

"Clai, hindi totoo ang mga multo," sabi ko sa kanya.

Kumalas naman siya at napayuko.

"Ayaw mo ba akong makasama*sob* m-mukhang nakakaistorbo na ako sa'yo, sorry ate." Nagulat naman ako sa sinabi niya.

"No Clai, hindi ka nakakaistorbo, umm sige tabi nalang tayong matulog." Agad naman siya napatingin sa akin.

Habang may excitement sa kanyang mga mata.

"Talaga ate!" Agad naman niya ako niyakap.

"Salamat ate!"

M-mukhang nahulog ako sa patibong ah.

Obsessive Love Disorder 1Where stories live. Discover now