Chapter 40

1.5K 56 1
                                    

Agad ko naman hinawakan ang kamay ni Ken. Napatingin naman siya sa akin at ngumiti naman ako.

“May pera ka ba?” tanong ko sa kanya.

Aanhin mo naman?” tanong niya.

Napangiti naman ako at hinila siya, papunta sa amusement park. Ng makapunta na kami sa amusement park. Binitawan ko na 'yung kamay niya at hinabol ang hininga.

“Bakit hindi nalang tayo n-nag taxi?” tanong ni Ken, habang hinihingal.

“Para naman maka badget tayo.” Napatingin naman sa akin si Ken dahil sa sinabi ko. “Oops, nakalimutan ko na mayaman ka pala.”

Napatingin naman siya sa mga ridings.

“Ikaw nalang ang sasakay, ayos lang ako,” sabi niya.

“Huh? Hehehe don't tell me, natatakot ka?” tanong ko sa kanya.

“Ako? Natatakot? Hindi ah,” pagtanggi niya.

“Ganun naman pala eh. Edi sakay na tayo!” Agad ko naman siya hinila papunta sa ridings.

•••

“A-ayaw ko na,” nahihirapan niyang sabi.

“Hahaha, ayos ka lang?” tanong ko habang hinahaplos ang likod niya.

Nasusuka ako,” sabi niya.

“Wait lang.” Pumunta naman ako sa tindahan na malapit lang dito, at bumili ng white rabbit. Bago bumalik sa kanya. “Eto kainin mo, para hindi ka na makaramdam ng pagsusuka.

Tinanggap niya naman ito. At kinain. Nagsimula naman kaming maglakad.

“Saan na naman tayo pupunta?” tanong niya.

“Sa mall,” sabi ko.

“Ano naman ang gagawin natin doon?” tanong niya.

Napairap naman ako, “Tinatanong pa ba 'yan, edi magsho-shopping.”

“Tsk, ang sungit mo,” bulong niya.

“May sinasabi ka?” mataray kong tanong.

“Wala.”

•••

“Umm miss, may couple shirt ba kayo dito?” tanong ko.

“Ah couple shirt.” Napatingin naman siya kay Ken. “Ah sige po.”

Sinundan ko naman ang babae, at tinuro niya sa amin kung saan ang couple shirt.

“Mamili nalang po kayo diyan, ma'am,” magalang niyang sabi.

Napatango naman ako, at namili na ng damit. Kinuha ko naman ang color gray at white na t shirt, at lumingon kay Ken.

“Ken, sa tingin mo....” hindi ko na tinuloy ang sasabihin ko.

Dahil napansin kong namumula ang pisnge at tenga niya. Napaiwas naman siya ng tingin sa akin.

Obsessive Love Disorder 1Kde žijí příběhy. Začni objevovat