Prologue

7.1K 179 23
                                    

Hey, Clai! Sumigaw naman ako dahilan upang lumingon siya sa akin.

Yes? Honey? Ayan na naman siya sa mga honey-honey niya.

Clai naman, kailan mo ba ako papalayain. 7 days na akong nakatali sa kadena na 'to! Grabe naman ang parusa mo, reklamo ko sa kanya.

Papakawalan lang kita, kung masisigurado kong, hindi ka tatakas, seryoso niyang sabi sa akin.

Napalunok naman ako ng laway ng titigan niya ako ng masama na parang may ginawa na naman ako na hindi niya gusto. Sa isang iglap, bigla naman nagbago ang ekspresyon niya at naging masayahin na bata na naman siya. Hindi ko talaga maiwasang isipin na mukhang na baliw na yata itong si Clai.

By the way ate, lalamig na itong pagkain. Kung hindi mo na 'to kakainin ngayon, sabi niya at kinuha ang plato.

Sinubuan naman niya ako, at kinain ko nalang ito. Baka ano pang magawa sa akin ng batang ito. Ng matapos na akong kumain, pinainom naman niya sa akin ang tubig.

Masarap ba ang luto ko, ate? tanong niya sa akin.

Tumango naman ako.

Hey, Clai, tawag ko sa kanya.

Yes?

Kaya mo ba ako kinidnap dahil sa tinulungan ko si Nathan na manligaw kay Illy? tanong ko sa kanya.

Napatigil naman siya at tumawa ng marahan, dahilan upang mapakunot ang noo ko.

Anong nakakatawa? tanong ko sa kanya.

All this time, 'yan lang ang pumasok sa isip mo. Kung bakit kita kinidnap, sabi niya.

Ano? Hindi ba't iyon ang dahilan kung bakit mo ako kinidnap? nagtataka kong sabi sa kanya.

Lumapit naman siya sa akin at pinaharap ako sa kanya.

Kahit kailan. Manhid ka talaga, ate, sabi niya bago naglakad palayo.

Hoy! Kid! Balik ka rito! Wag mo akong iwan! Hoy! Sigaw ko.

Bigla naman siya lumingon sa'kin, Bakit ate? Mamimiss mo ba ako? Hindi mo ba kayang mawala ako sa tabi mo?

Ang layo naman ng narating ng imahinasyon ng batang ito.

Umm, pwede bang tanggal naputol ang sasabihin ko ng agad niya nilock ang pinto.

Hoy! Mas matanda pa ako sa'yo! You should learn how to respect me! sigaw ko.

Napapuot naman ako habang pinagmamasdan ang paligid. Bigla nalang ako napangiti na parang baliw ng may naisip akong paraan upang makatakas dito.

•••

Clai! Clai! sigaw ko.

Maya-maya pa ay pumasok na si Clai, at lumapit sa akin.

Bakit?

May cr ba kayo dito? tanong ko.

Bigla naman nag iba ang tingin niya.

May plano ka bang tumakas? tanong niya.

Hindi, naiihi ako, sabi ko sa kanya.

Nakatingin muna siya sa akin, bago dahan-dahan tinanggal ang kadena sa aking kamay at paa. Agad ko naman sinipa ang alaga niya. Dahilan upang mapahiga siya sa sahig.

Ugh!

Agad naman ako tumayo at bago pa ako tumakbo papalayo. Tumingin muna ako sa kanya.

Pasensiya ka na ha, godbless! Agad naman ako tumakbo papalayo.

Crap! Hindi ko alam kung saan ang daan palabas.

Aviana! Bumalik ka rito! sigaw niya.

Mukhang na galit 'ata siya. Napatingin naman ako sa paligid, at pumasok ako sa isang silid.

Teka? Mukhang kwarto ito ni Clai? Bahala na nga.

Agad naman ako pumasok sa cabinet at sinara ang pinto. Maya-maya pa ay pumasok na siya.

Aviana~Aviana~, hindi mo naman sinabi na gusto mong makipaglaro ng tagu-taguan,” seryoso niyang sabi.

Napalunok naman ako ng laway. Hindi na nga ito joke. Totoo na 'to.

Napapikit nalang ako, ng maya-maya pa ay bigla nalang bumukas ang pinto ng pinagtataguan ko.

I found you, nakangiti niyang sabi.

Ah!

Obsessive Love Disorder 1Onde histórias criam vida. Descubra agora