Chapter 11

2.4K 95 12
                                    

Nandito naman ako sa bintana. Nakanganga lang, ilang araw na rin akong hindi nakagala. Naboboringan na ako dito sa bahay nilang Clai at Illy.

Feeling ko naka lock na ako tuloy. Wala si Clai kasi tinawag siya ni Illy, at napagpasyahan ko na dito na lang muna ako sa kwarto ni Clai.

Bigla nalang nag vibrate ang bagong phone ko dahilan upang kunin ko ito. Nakita ko naman ang text ni Nathan.

Tumingin ka sa ibaba ng bintana

Hindi ko na siya nireplyan at tumingin nalang sa ibaba ng bintana.

Nathan? Anong ginagawa mo dito? tanong ko sa kanya.

Tara, mall tayo. Libre ko. Napatingin naman ako sa kanya na walang gana.

Naalala ko noon, niyaya niya akong mag-mall. Libre lang daw niya, tapos tinawag niya lang pala ako para may magcomfort sa kanya.

Ano na naman ang problema niyo ni Illy? walang gana kong tanong sa kanya.

Tumawa naman siya ng marahan at umiling.

No, hindi na kay Illy ang dahilan, sabi niya sa akin.

Are you sure? Seryoso na ba 'yan? tanong ko sa kanya.

Napatango naman siya, bigla naman akong na excite pero bigla nalang akong sumimangot.

Oh ba't nakasimangot ka? tanong niya sa akin.

Sorry Nathan, hindi ako makakapunta. Baka kasi magwala na naman si Clai, sabi ko sa kanya.

Nagulat pa yata siya sa sinabi ko. Yumuko naman siya pero mamaya-maya ay agad itong tumingin sa akin at ngumiti.

Tumakas ka nalang, sabi niya sa akin.

What?

Hindi naman siguro niya ito mapapansin, at saka may free kang gawin ang gusto mo, Bunny, para ka namang kinulong diyan. Tama nga naman siya.

Ngumiti naman ako sa kanya, at tumango. Tumalon naman ako sa bintana, dahilan upang magulat siya.

Sinalo niya naman ako.

Gaga! Paano nalang kung hindi kita nasalo!galit niyang sigaw sa'kin.

Duh, alam ko namang sasaluin mo ako, palabiro kong sabi sa kanya.

•••

Woah! Namiss ko 'tong mall! Kinuha ko naman ang isang headband na may dalawang heart na tenga.

Sinuot ko naman ito kay Nathan.

Oi Nathan, bagay sa'yo, biro ko sa kanya.

Natawa naman siya at kinuha ang isang headband na may tenga na rabbit.

Agad niya naman ito sinuot sa akin.

Obsessive Love Disorder 1Where stories live. Discover now