Chapter 2

4K 131 18
                                    

Habang kumakain ako ng pop-corn at nakatuon lang ang atensyon ko sa tv. Katabi ko naman si Tim.

“Hindi pa rin nagre-reply si Illy sa mga text ko,” alalang sabi niya sa'kin.

“Baka busy,” sagot ko.

Napatingin naman siya sa akin habang halata sa kanya ang pag alala.

Paanong busy? Kanina pa siya hindi nagre-reply sa'kin.” Napahinga nalang ako ng malalim.

Anong gusto niya? Tulungan ko na naman sila? Nakakaloka naman 'to.

“Clai! Sandali!” Napatingin naman kami sa pinto dahil may sumigaw sa labas.

“Kay Illy ang boses na 'yun ah.” Akmang tatayo na si Tim.

Ng agad bumukas ang pinto dahilan upang magulat kaming dalawa.

“Princess Aviana Salazar Ramos! Where are you?!” galit niyang tawag sa'kin.

Marami kasi kami dito. Dumating kasi 'yung anak ng kapatid ni mama. Tapos puro pa babae. Kaya syempre hindi niya alam kung saan ako.

“Clai, stop please,” alalang pagpigil sa kanya ni Illy.

“Uum, I'm here?” Napatingin naman siya sa'kin.

Napahinto muna siya ng makita ako. Ngumiti nalang ako sa kanya. Ano bang kasalanan ko? Parang galit siya kanina ah.

“Ikaw ba ang dahilan kung bakit nagkatuluyan si ate at Nathan?” seryoso niyang tanong sa'kin.

“Hey Clai, call him kuya. Mas matanda pa siya sa'yo.” Hindi man lang pinansin ni Clai si Illy.

“Uum, oo ako nga.” Lumapit naman ako sa kanya.

Bigla naman tumulo 'yung luha niya dahilan upang magpanic ako.

“Alam mo ba na siya lang 'yung taong nandiyan para sa'kin. Siya lang iyung taong nagmahal sa akin. Tapos ngayon inagaw na siya ng iba. Mag iisa na naman ako,” sabi niya habang umiiyak.

“S-sorry hindi ko alam.” Agad naman siya tumakbo papalayo sa amin.

“Clai! Sandali!” tawag sa kanya ni Illy pero hindi ito pinakinggan at nagpatuloy lang sa pagtakbo.

Akmang hahabulin siya ni Illy, pero pinigilan agad ito ni Nathan.

“Kailangan niya munang mapag-isa,” malungkot na sabi ni Nathan.

“Sorry guys, kasalan ko 'to. Kung alam ko lang sana na mangyayari 'to—” naputol ang sasabihin ko ng biglang nagsalita si Illy.

“Hindi mo 'to kasalanan, Avia. Dapat nga kami ang magpasalamat sa'yo dahil ikaw ang dahilan upang magkatuluyan kami,” nakangiting sabi sa'kin ni Illy.

Ngumiti naman ako, “Hayaan mo. Hahanapin ko siya.”

“Huh? Sigurado ka ba diyan?” alalang tanong sa akin ni Tan.

Tumango naman ako bago umalis.

•••

At sa wakas! Nakita ko na rin 'tong bata na 'to. Kahit saan-saan nalang ako napadpad para lang mahanap siya.

Lumapit naman ako sa kanya. Dahilan upang mapatingin siya sa akin.

“Diba sabi mo wala kang ate? You know what. Kahit may boyfriend na 'yung ate mo. Mahal ka pa rin niya, at hinding-hindi ka kayang palitan ng ate mo. And i can be your ate if you want?” nakangiti kong sabi sa kanya.

Obsessive Love Disorder 1Where stories live. Discover now