Chapter 7

2.7K 102 20
                                    

“Pasensiya ka na Illy, hindi ako nakabili ng gift sa'yo. Eto kasing si mama. Ngayon lang sinabi sa akin,” naiirita kong sabi sa kanya habang nakatingin ako ng masama sa mama ko.

“Ayos lang, ang importante nandito na kayo lahat,” sabi niya habang nakangiti.

Bigla naman lumapit si Nathan kay Illy at niyakap ito.

“Happy birthday, baby girl,” malambing na sabi sa kanya ni Nathan.

Kumalas naman si Illy sa pagkakayakap kay Nathan.

“Ano ba? Hindi na ako bata.” Tumawa nalang ako ng marahan sa inasta ni Illy.

Pareho talaga sila ni Clai.

“Ate.” Napatingin naman ako kay Clai na ngayon ay hawak na hawak na niya 'yong kamay ko.

Hinila naman niya ako papunta sa balkonahe.

“Clai, bakit tayo nandito?” tanong ko sa kanya.

Kinuha naman niya ang kamay ko, at may isinuot siya sa akin. Isang singsing?

“Princess Aviana Salazar Ramos, paglaki natin, will you marry me?” Nagulat naman ako sa sinabi niya.

Oh i get it, this is just a joke. Hahahah malapit na akong madala doon ah.

“Oo naman,” nakangiti kong sabi sa kanya.

“Promise?” Napakunot naman ang noo ko.

“Promise?” Nagmumukha ng tanong 'yung sagot ko dahil naguguluhan rin ako.

Hinawakan naman niya ang kamay ko habang nakatingin kami sa bituin at buwan.

“I will never let you go,” sabi niya dahilan upang mapatingin ako sa kanya.

Hindi na ako sumagot kasi parang ang seryoso niya.

•••

Kumakain ako ngayon ng pagkain, habang nag uusap naman si Nathan at si Illy. Si Clai hindi ko alam kung nasaan siya.

Nawala lang kasi siya sa paningin ko.

“Avia!” tawag sa akin ni mama.

Lumapit naman ako kay mama, at napatingin sa babae na nasa 40s na at ang anak niya yata 'to.

“Mars, ito pala 'yung anak ko si, Aviana,” pagpakilala niya sa akin.

“Hi tita ako nga pala si Princess Aviana Salazar Ramos,” sabi ko habang nakipag shake hands.

“Ang ganda mo naman,” sabi niya.

Alam ko! Charot.

“Eto talaga si tita, palabiro.” Tumawa nalang kami.

“Eto nga pala 'yung anak ko si Mike,” pagpakilala niya.

“Hi i'm Mike Benjamin Alvarez Padel, nice to meet you, Aviana,” pagpakilala niya.

Tinanggap ko naman ang kamay niya at nakipag shake hands.

“Nice to meet you Mike,” nakangiti kong sabi sa kanya.

Bumitaw naman ako.

“Nako, bagay na bagay kayo ng anak ko,” sabi sa'kin ni tita.

Obsessive Love Disorder 1Where stories live. Discover now