Chapter 16

2.1K 78 18
                                    

Wala naman siyang ganang tumango. Napahinga naman ako ng malalim.

“Hindi na ba magbabago ang desisyon mo?” tanong ko sa kanya.

“Hindi na,” seryoso niyang sabi sa akin. 

Ilang segundo muna kami nagkatinginan at sumandal siya sa balikat ko. Nagulat pa ako ng bigla siyang umiyak, minsan lang ako makakita ng lalaking umiiyak.

Waaaaaa! Ang sakit magmahal Avia! Waaaa!”

Mabuti nalang at walang ibang tao dito, kundi mapapahiya talaga ako, at grabe naman umiyak si Nathan, parang bata. Hindi mo aakalain na ang 19 year old na si Nathan ay mukhang bata kung umiyak.

Napatawa nalang ako ng mahina sa naisip ko dahilan upang dahan-dahan siyang tumigil. Napatingin naman siya sa'kin at tumingin lang ako sa kanya ng inosente.

Pinagtatawanan mo ba ako?” tanong niya sa akin.

Lumingon ako sa itaas dahilan upang makita ko ang ulap at ang mga bituin.

“Ako? Hindi ah,” deny ko.

Napalingon ulit ako sa kanya. Nakatingin lang siya sa akin ng masama dahilan upang biro ko siyang sinampal pero hindi naman ito malakas.

Napangiti naman siya at tumawa ng kaunti. Nagkatinginan ulit kami at tumawa na kaming dalawa.

Para kaming mga tanga.

“Alam mo, para kang hindi 14 year old,” sabi niya sa akin.

“Tsk, dahil matanda ang mukha ko,” walang gana kong sabi sa kanya.

“Hindi 'yung kilos mo kasi, pang 18 pataas,” saad niya.

“Tsk, atlease mabilis akong makakahanap ng gwapong boyfriend niyan.” Napakagat nalang ako ng labi ng halos maluha-luha na siya habang nakatingin sa'kin.

Nakalimutan ko pala na bagong break palang sila ng jowa niya.

“Okay lang 'yan Nathan,” sabi ko sakanya.

Niyakap niya naman ako at halos mabingi ako kakasigaw niya. Tang*na! Agad ko naman siya tinulak at tinakpan 'yung kanang tenga ko.

“Ano ba?! Kawawa 'yung ears ko!” sigaw ko sa kanya.

Napapuot naman siya. Napairap nalang ako sa inasta niya. 

•••

“Ate, totoo bang naghiwalay na si ate Illy at si kuya Nathan?” inosenteng tanong sa'kin ni Clai.

Nandito kami sa park, nakaupo kami ngayon sa bench, sabi kasi ni mama may aalagaan lang daw ako na bata ngayon. Anak siya ng kaibigan ni mama at dito lang daw kami magkikita.

Pero hindi ko akalain na sasamahan ako ni Clai dito.

“Yes Clai, nakakalungkot nga eh.” Napatingin naman ako sa kanya na ngayon ay nakatingin lang siya sa'kin. “Pero dapat masaya ka na ngayon, wala ka ng kaagaw.

“Well, wala naman akong problema kung sila ang magkatuluyan,” sabi niya sa akin.

“Huh? Pero diba hindi ka naman tutol sa kanilang pagmamahalan, noon?” Napatango naman siya.

Obsessive Love Disorder 1Where stories live. Discover now