Chapter 34

1.5K 59 2
                                    

“Mag girlfriend at boyfriend lang naman kayo, hindi naman kayo mag asawa. So mali pa rin na tabi kayo matulog, hindi tama 'to!” inis na sabi sa amin ni Tim, napatingin naman siya sa akin. “Cess, hiwalayan mo na iyang mokong na iyan, bad influence lang siya sa'yo.”

“What did you say?!” Tumayo naman si Ken, agad ko naman hinawakan ang braso niya.

“Stop it! You two!” irita kong sabi sa kanila.

“Mas mabuting kumain na muna tayo, nagugutom na kasi ako,” sabi ni Illy sa amin.

•••

“What?! Pumunta si Clai sa bahay mo, tapos hindi ka tumawag sa amin!” gulat kong ani sa kanya.

Dinelete ko na ang number niyo sa cellphone ko at binago ko na rin ang sim nito, hindi niya pwedeng ma locate kung nasaan ka.....kilala ko si Clai, matalino siya. Kaya i will never let him find some clue,” paliwanag ni Illy.

“Siya ba ang may gawa niyan?” tanong ni Nathan.

Napatingin naman kami sa leeg niya, may band aid ito. Ngayon ko lang napansin ito. Napatango naman siya.

“Wala tayong choice, kundi dalhin siya sa mental. Bago pa siya makasakit ng iba,” seryosong saad sa amin ni Ken.

“But—” naputol ang sasabihin ko ng agad sumabat si Illy.

“It's okay Avia, nilagay ko na sana siya sa mental from the start.... I'm sorry this is all my fault,” malungkot niyang sabi.

Agad naman ako lumapit sa kanya at hinawakan ang kamay niya.

“Hindi mo 'to kasalanan, Illy, walang may kasalanan dito. Naiintindihan ko kung bakit hindi mo kayang ilagay si Clai sa mental. Because you love him, right? After all you're his older sister,” sabi ko sa kanya. Ngumiti naman siya at tumango.

“Hahanapin namin si Clai, pero dito lang kayo ni Illy,” sabi ni Ken.

“Mag iingat kayo,” alala kong sabi sa kanila.

Napatango naman sila sa akin, bago sila umalis. 

•••

Ilang oras na ang nakalipas, hindi pa rin bumabalik silang Ken at Nathan. Hindi na ako mapakali. Baka ano nang nangyari sa kanila.

“Illy, ilang oras na ang nakalipas, pero hindi pa rin bumabalik dito si Ken at Nathan,” alala kong sabi sa kanya.

Tumayo naman siya, at napatingin sa akin ng seryoso.

“Wag ka mag alala, hahanapin ko silang dalawa.....at dito ka lang,” saad niya sa akin.

“No, tutulong ako,” sabi ko sa kanya.

“Hindi pwede delikado.” Agad naman siya umalis.

Napahinga naman ako ng malalim, at seryosong tumingin sa pinto. Sorry Illy, pero hindi ako pwedeng mag stay nalang dito. Hindi pwedeng hahayaan kong mapahamak si Ken at Nathan and because of me. Kaya sila napahamak.

Obsessive Love Disorder 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon