Chapter 43

1.4K 63 8
                                    

Bakit? Bakit nakikita ko si Clai sa kanya? Agad ko naman tinulak si Wilder.

Bakit ka nandito sa cr ng mga babae? Manyak ka no?! inis kong tanong sa kanya.

Mabuti nalang at wala pang tao dito. Kundi malaking gulo talaga ang mangyayari.

Wala akong pake sa ibang babae, gusto ko lang makita ka,” nakangiti niyang sabi sa akin.

Nababaliw ka na ba?! sigaw kong tanong sa kanya.

Sige ka kapag nag ingay ka pa, maririnig ka talaga ng ibang tao sa labas, nakangiti niyang sabi sa akin.

Nyūsu o kikimashita ka?

Nani no nyūsu?

Agad ko naman hinila si Wilder at pumasok kami sa loob ng banyo. Tinakpan ko naman ang bibig niya. Nakatingin lang siya sa akin habang nakatuon ang atensyon ko sa dalawang babae.

Mamaya-maya pa ay umalis na sila, dahilan upang mapahinga ako ng malalim. Inalis ko naman ang kamay ko sa labi niya.

Is it weird? Na babae at lalaki ay nagsama sa iisang banyo. Mmh, I wonder kung anong gagawin nila? tanong niya.

Napatingin naman ako sa kanya, at agad lumabas sa banyo. Lumabas naman ako sa restaurant, at napahinga ng malalim. Nakaka-badmood si Wilder. Hindi ko alam kung magkakasundo pa ba kami nito.

•••

Ng makauwi na kami sa bahay. Agad naman ako dumiretso sa kwarto. Napahinga naman ako ng malalim, habang nakahiga sa kama at nakatingin lang sa kisame. Napatingingin naman ako sa cellphone ko. Agad ko naman ito kinuha, at nagulat nalang ako ng may 44 missed call ako kay Illy. Bigla naman nag ring ang cellphone ko. Ano kayang pakay ni Illy?

Hello Illy, sorry hindi ako nakasagot agad.

Princess! Nakatakas si Clai! Wala na siya sa mental hospital!

What?! Paano nangyari 'yun?!

H-hindi ko alam, basta mag iingat ka Aviana, wala akong ideya kung ano ang plano ni Clai. Don't let your guard down.

O-okay i understand.

Gusto mo pumunta kami diyan?

Nako! Wag na kaya ko na ang sarili ko.

Okay, basta mag iingat ka ha.

Okay salamat sa pag aalala.

Pinatay ko naman ang phone ko, at napahinga ng malalim. Bigla naman bumukas ang pinto, dahilan upang mapatingin ako sa nagbukas nito.

Hindi ka ba marunong kumatok? mataray kong tanong sa kanya.

Sinong kausap mo? seryoso niyang tanong.

Mine your own business,mataray kong sabi sa kanya. Hindi pa rin siya umaalis. Nandito pa rin siya sa kwarto ko, nakasandal sa pader habang naka cross arm. “Kung wala kang kailangan, pwede ba umalis ka na!

Obsessive Love Disorder 1Where stories live. Discover now