Chapter 31

1.6K 57 0
                                    

Dahan-dahan ko naman binuksan ang pinto, at ng tuluyan na akong makalabas. Napansin ko naman na wala si Clai. Saan kaya siya nagpunta? Napailing naman ako sa naisip ko. Kailangan ko muna hanapin iyung cellphone ko.

Ilang oras na ako naghahanap pero hindi ko pa rin makita kung nasaan ang cellphone ko, at saka ngayon ko lang napansin na hindi ito bahay ni Clai at Illy, kasi first time ko lang nakapunta dito. Paano kaya siya nakabili ng bahay?

Hayst! Nasaan na ba iyun? inis kong tanong sa sarili ko.

Looking for this? Agad naman ako napatingin kay Clai na ngayon ay nakasandal na sa pader at hawak na hawak ang cellphone ko.

Napalunok naman ako ng laway, dahil parang pinagdududahan niya pa rin ako. Anong gagawin ko?

Ah......o-oo, a-akala ko kasi nawala ko, kabado kong sabi sa kanya.

Then, nalaman munang na sa akin iyung cellphone mo. Ano ng gagawin mo ngayon? tanong niya.

Sinusubukan niya ba ako? Hindi ko pwede kunin ang cellphone sa kanya. Sigurado akong magdududa siya.

A-ah, hindi. Sinisigurado ko lang safe 'yung cellphone ko, malalagot kasi ako ni mama pag nawala ko iyan, sabi ko sa kanya.

Napatango naman siya at iniligay ang cellphone ko sa bulsa niya. Paano ko na ito makukuha? No choice ako, i will do anything, to earn his trust...again but in a good way.

•••

7:00 pm na ng gabi, pumunta naman ako sa kitchen at nakita si Clai na nagluluto, habang nakasuot ng apron. Okay! Ito na Aviana! Kaya mo 'to!

When i was grade 7, 12 year old palang ako, marunong na talaga akong lumandi. Kaya siguradong hindi ako mahihirapan nito—sana...

Lumapit naman ako sa kanya at niyakap siya, nakatalikod pa rin siya sa akin, pero alam ko na nagulat siya sa ginawa ko.

Anong niluluto mo? malambing kong tanong sa kanya.

P-piniritong baboy. Napahinto naman ako sa sinabi niya.

Wah! May favorite, masaya kong sabi, napahinto naman ako dahil ngayon ko lang narealize na na-distract ako. “Alam mo ba na paborito ko iyan?

Alam ko, sagot niya.

Huh? How did you know? tanong ko.

Kung tungkol sa'yo, aalamin ko talaga lahat, Aviana, mahinahon niyang sabi.

Ewan ko ba, pero nababaguhan ako sa pag tawag niya sa akin sa pangalan ko. Parati kasing 'ate' ang itatawag niya sa akin. Mga ilang minuto pa ang lumipas, napagdesisyunan ko ng kumalas, pero nagulat nalang ako ng hawakan niya iyung dalawang kamay ko dahilan upang mapahinto ako.

1 minute more, sabi niya.

Napatango naman ako, ngayon ko lang napansin. Na mature pala si Clai.....mas mature pa sa akin.

Ng naluto na ang pagkain, kumalas naman ako sa pagkakayakap. At nakita ko pa siyang nakapuot, aww~ ang cute—no! Avia! Wag kang ma distract! Kailangan mong gawin ang mission mo.

Obsessive Love Disorder 1Where stories live. Discover now