Chapter 45

1.5K 64 2
                                    

Napaupo naman ako sa kama ko. Habang nakatulala pa rin. Gulat pa rin ako sa nangyari.

Masakit pa ba?” alala niyang tanong.

Akmang hahawakan niya 'yung pisnge ko na sinampal ng nanay niya, pero agad ako umiwas.

“Ganun ba talaga ang ugali ng nanay mo?” seryoso kong tanong sa kanya.

Napailing naman siya.

“Ganyan lang siya, pag lasing.” Napahinto naman ako sa sinabi niya.

Napansin ko ngang amoy alak si ma'am Rosita kanina.

“Nangyari na ba iyan, many times?” tanong ko sa kanya.

“Yes,” sabi niya.

Napatingin naman ako sa kanya. Blangko lang siyang nakatingin sa akin, pero kitang-kita ko sa mukha niya na malungkot ito.

“A-are you okay?” alala kong tanong sa kanya. “A-anong ginawa niya sa'yo? Nung lasing siya.”

“She touch me.” Nagulat naman ako sa sinabi niya. “At minsan sinasaktan niya ako....and sometimes, sasabihin niya sa akin na gusto niya ako.”

“What?!” Nababaliw na ba 'yang si Rosita na iyan!

“But it's not her fault. Hindi niya alam ang ginagawa niya, that time,” sabi niya sa akin.

Agad naman ako lumapit sa kanya at niyakap siya.

“I'm sorry.” Iyan lang ang nasabi ko.

Hindi ko na siya pinatuloy sa pagsasalita. Baka masaktan ko pa siya lalo.

•••

“Hey! Wake up!” sigaw ko sa kanya.

“Mmmh 5 minutes more.” Sa tingin mo talaga maniniwala ako niyan.

Agad ko naman siya hinila, pero dahil sa sobrang lakas niya. Ako ang nahila. At ngayon ay katabi na kaming nakahiga sa kama. Nakatingin lang ako sa kanya.

“Hey, pag hindi ka pa bumangon diyan, hahalikan kita,” seryoso kong sabi sa kanya.

Bigla nalang ako nakaramdam ng inis ng bigla siyang ngumuso. Agad ko naman siya sinapak ng unan.

Aray!”

“Tinatawag na tayo ni ma'am Rosita sa ibaba. Kakain na raw,” sabi ko at bumangon. “Geez! Ang landi mo!”

Napatawa naman siya ng marahan sa sinabi ko.

•••

“We'll be back,” nakangiting sabi ni Rosita.

“Sigurado ba kayong ayos lang kayo dito?” tanong ni papa.

Agad naman ako inakbayan ni Wilder,  habang nakatingin siya kay papa at ngumiti.

“Opo, ayos lang po kami dito ng kapatid ko,” sabi niya. Lumingon naman siya sa akin. “Diba?”

“A-ah oo,” sabi ko at tumingin kay papa.

Bumaling naman ang atensyon ko kay Rosita. Mukhang wala nga siyang na aalala.  Kung nagtataka kayo kung saan sila pupunta. Pupunta lang naman sila sa thailand, mamamasyal. Hindi na ako sumama. Baka makaistorbo lang ako. At saka ayaw ko rin makita 'yung lovey dovey nilang dalawa. Yuck!

Obsessive Love Disorder 1Where stories live. Discover now