Chapter 27

1.6K 70 0
                                    

“Time to sleep,” masigla niyang sabi.

“U-uum C-clai, doon nalang ako sa guest room. M-matutulog,” sabi ko sa kanya. 

“Bakit naman ate? Ayaw mo ba akong makasama?” nakapuot niyang tanong sa akin.

“H-hindi naman sa ganun, alam mo naman na lalaki ka at babae ako. Hindi pwedeng magsama matulog ang babae at lalaki sa iisang higaan, hindi ba?” kinakabahan kong sabi sa kanya.

“Pero tabi naman tayo matulog noon ah,” inosente niyang sabi sa akin. “At saka wala naman akong gagawing masama sa'yo......if hindi mo gusto,” nakangiti niyang sabi sa akin.

What's that even mean? Napahinga naman ako ng malalim.

“Pero iba na ngayon, Clai,” ani ko sa kanya.

“Ano naman ang pagkaiba ng ngayon at noon?” tanong niya dahilan upang mapahinto ako.

Hindi ko pwede sabihin sa kanya na alam ko na ang sakit niya. Napalunok naman ako ng laway bago napahinga ng malalim. Humiga naman ako sa kama.

Nagulat nalang ako ng agad siya pumatong sa akin, naalala ko naman ang ginawa niya sa batang lalaki na pinatay ni Clai noon. Napapikit naman ako at nagulat nalang ako ng, pinusasan niya ako.

“C-clai, w-what are you doing?” kinakabahan kong tanong sa kanya.

Na alala ko naman ang sinabi ni Illy, na dapat tumakbo na ako pag nakita ko si Clai. Ngayon nagsisisi na ako dahil hindi ako tumakbo. Agad naman niya ako niyakap dahilan upang magulat ako.

Mmmmh ate, ang bango mo,” malambing niyang sabi sa akin.

Dahilan upang masigtayuan ang balahibo ko sa katawan.

“C-clai, hindi ako komportable, pwede mo bang tanggalin ang pusas?” nahihirapan kong sabi.

Tumingin muna siya sa akin bago sumagot.

“No.” Napangiwi naman ako sa sinabi niya.

“But Cla—” pinutol ko ang sasabihin ko ng napansin kong nakakatakot na iyung tingin niya sa akin.

“Ate! Are you going to leave me?! Like everyone else! You can't be! Because you promise me you won't leave me! right?! Ate!” sigaw niya halos mabingi na ako.

“Y-yes,” takot kong sabi sa kanya.

Hinaplos naman niya ang pisnge ko gamit ang kaliwang kamay niya.

“Ate~ you're so cute,” sabi niya at niyakap ako ulit.

Sa sobrang takot ko, halos maluha na ako sa nangyari. Nagulat nalang ako ng biglang bumukas ang pinto at tinulak ni Ken si Clai dahilan upang mabangga siya sa pader.

“K-ken,” utal kong tawag sa pangalan niya.

Agad naman siya lumapit sa akin at tinanggal ang pusas sa aking pulso.

“S-saan mo nakuha ang susi?” nauutal kong tanong sa kanya.

“Nilagay niya sa lamesa,” sabi niya habang nakatuon pa rin ang atensyon niya kay Clai.

“Damn it!” mura ni Clai.

Agad naman hinawakan ni Ken ang kamay ko at nagsimula na kaming tumakbo.

Ng tuluyan na kaming makapasok sa kotse niya. Agad naman pinaharurot ng driver ang kotse.

“Are you okay?” tanong niya sa akin.

Obsessive Love Disorder 1Où les histoires vivent. Découvrez maintenant