Chapter 42

1.4K 62 8
                                    

Mamimiss kita, Avia.” Agad naman ako niyakap ni Illy.

“Babalik rin naman ako dito, pagkatapos ng isang taon,” nakangiti kong sabi sa kanya. Napatingin naman ako kay Nathan. Alagaan mo mabuti si Illy habang wala ako ah, malalagot ka talaga sa akin.”

“Yes po ma'am,” walang ganang sabi sa akin ni Nathan.

Napangiti naman ako at ganun rin siya. Kumalas naman si Illy.

“Bye linlin, bye timmy,” pagpapaalam ko sa kanila.

“Bye Avia.”

•••

Misu, watashitachi wa koko ni imasu,(miss, we're here),” sabi ni manong driver.

Arigatōgozaimashita.” Agad ko naman inabot sa kanya ang bayad, bago bumaba sa taxi.

Pagkababa ko sa kotse, nakita ko naman si papa. Napangiti naman siya at niyakap ako.

“Anak, namiss kita.”

“Namiss rin kita, pa.” Kumalas naman ako sa pagkakayakap at seryoso na nakatingin sa kanya. “Totoo ba, pa? Na may babae ka?”

“Anak.....oo totoo, sorry anak. Mahal ko 'yung bagong asawa ko, at saka. Hindi ko siya pwedeng iwan. M-may anak kami,” sabi niya sa akin.

Napakunot naman ang noo ko.

“Nasaan ang anak niyo?” tanong ko.

“Makikita mo rin siya, pag 20 plus ka na.” Napatango naman ako sa sinabi niya.

Kahit pa naman magalit ako kay papa. Wala rin naman akong magagawa.

“Nasa pilipinas pa kasi 'yung asawa ko, hindi ba kayo nagkita roon?” tanong niya sa akin.

Napailing naman ako.

“Hindi eh.”

•9 years later•

I'm already 23 year old at nag dye rin ako ng buhok. Color light brown hair.

Naisipan ko kasing magbago ng color sa buhok, para naman hindi boring tignan.

“Anak! Hali ka dito! May ipapakilala ako,” sigaw ni papa sa ibaba.

“Okay pa.” Binitawan ko naman ang cellphone ko at bumaba na ng kwarto.

Ng tuluyan na akong makalapit may nakita naman akong babae na nasa 50s at black hair and black eyes. Kahawig siya medyo ni Clai.

“Aviana, this is Rosita Adelaide Diaz Hernandez,” pagpapakilala ni papa.

“Hi po tita,” nakangiti kong pagbati sa kanya.

“Wag na 'yung tita, tawagin mo nalang akong mama,” nakangiti niyang sabi.

Napatingin naman ako kay papa. Ayaw ko sanang tawagin ang babae na 'yan na mama, kasi isa lang naman 'yung mama ko at 'yun ang babaeng isinilang ako.

Obsessive Love Disorder 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon