Ibinaling ko na lang ang tingin ko sa piano at naisip tugtugin ang Clair de Lune by Claude Debussy, tutal ay nauubusan na ako ng ideya dahil nakakatense pala na pakiramdam mo na ikaw lang ang naiiba at lahat sila sayo nakatingin.

Nagumpisa ko ng kalabitin isa isa ang mga keys kahit alam kong hindi naman pang masigla ang tunog na ito sa halip ay ibinagay ko lang sa suot nila

Todo focus pa ako dito sa pagtugtog para hindi magkamali, sinubukan kong lumingom sa gawi nila at medyo nakahinga ng maluwag ng kanya kanya na silang usap-usapan

"Qual è la tua intenzione?" (What's your intention?) pangbabasag ni Sir Cafaro sa kanilang hapagkainan

Di agad sumagod si Mr. Amato na sa tingin ko ay sya ang kinakausap niya, kita ko lang ang pagangat ng gilid ng labi niya habang nagsilabasan ang mga waiter and waitress sa kung saan, bitbit ang naglalakihang mga lalagyanan ng kanilang mga handa at isa isang nilalapag sa bawat mesa na andito. Ganon sila kayaman

Nagpapalitan ang tingin ko sa piano at sa gawi nila, nagmumukha tuloy akong chismosa

Mayamaya pa ay parang mga sundalo na sabay sabay na luminya at tuwid na tumayo ang mga waitress at waiter sa bawat sulok ng sa may nakaupo habang sabay sabay na hinawakan ang takip ng mga pagkain

"Su!" (Up!) mataas na boses na ani ng mukhang butler dahilan para sabay sabay na iniangat ng mga ito ang mga takip sa handaan

Gusto kong mamangha sa pagiging disiplinado nila, para talaga akong nasa palasyo ng mga royal family

Napangiwi ako bigla sa amoy ng mga pagkain na handa nila, di ko masyadong makita kung ano ang mga nakalapag na pagkain dahil sa bahagya kong layo sa gawi nila pero gayon pa man ay matapang ang amoy nito na may na-aamoy akong baho mula mismo sa mga pagkaing nakalapag. Pansin ko rin na halos karne yata na hindi gaanong luto ang nakalagay doon dahil kulay pula at mukhang sariwa ang itsura nun

"Buon appetito a tutti!" (Enjoy your food everyone!) malakas na ani Mr. Amato na nag-aanunsyo siguro para marinig ng lahat at kasabay nun ang pagngiti nila

Nagpatuloy ako sa pagtugtog na papatapos na

"sì sua altezza!" (Yes, your Highness!) parang bigla akong nangilabot sa sabay sabay na ani ng mga bisita maliban kela Nurse Jeralene at Sir Cafaro

"Sei appena arrivato prima. Calmati... È il mio compleanno, per favore non rovinare la mia notte" (You just arrived earlier. Calm down... It's my birthday, please don't ruin my night)

'Iba na talaga ang kutob ko dito'

Napatingin muli ako sa gawi nila, kita ko na ang pagngisi ni Mr. Amato habang diretso ang tingin sa kanilang dalawa, parehong matatalas na lalo ang tingin nina Nurse Jeralene at Sir Cafaro kay Mr. Amato na para bang may hindi sila nagugustuhan at...

Nahinto na ako ng tuluyan sa pagtugtog ng magulat ako kung gaano ka takaw na takaw kumain ang mga bisita na halos kinakamay na nila ang mga pagkain at kulang na lang ay mag-agawan

Bumibilis na naman ang kalabog ng puso ko at laglag pangang nailibot ang paningin, ngayon lang kase ako nakakita ng mga mukhang mayayaman at formal na mga suot pero parang mga patay gutom kung kumain

"cosa vuoi?" (what do you want?) malamig at tipid na pagkakasabi ni Sir Cafaro sa kanya

Ilang saglit pa bago nagreak si Mr. Amato at nadagdagan ang kaba ko ng dahan dahan syang tumingin sa gawi ko at nginitian ako ng nakakaloko. Di ko alam kung bakit ganito na lang ang nararamdaman kong takot tuloy ay nabaling muli ako sa piano sa harap ko dahil sa nerbyos

Sangue Dolce ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon