The Forbidden Desires 55

58.2K 1.3K 43
                                    

(TFD) Chapter 55





They slid me inside the luxury car. Mayroon silang dalang sasakyan para kunin ako sa gate. Wala akong balak sumama at nanatiling nakaupo at nakatulala sa sementadong sahig. Kung hindi pa inutos nang babae na nasa speaker, hindi nila dadampian ng daliri kahit ang balahibo ko.

Parang ang layo ng tinakbo ko kanina ngunit ngayong pabalik kung saan ako tumakbo ay parang kisap-mata lang ang layo. Muling nabuhay ang takot ko nang matanaw ang nakahilera na mga tao. Naroon pa rin sila kung saan ko iniwan. Maging ang matandang lalaki ay nanatili at hindi naghihintay.

They lined up elegantly but the hair all over my body was rising because of the way they greeted me when I got out of the car. It felt like a daughter of demon has arrived. Pakiramdam ko pati ang hanging nilalanghap ko ay pag-aari ng tao na nagpakuha sa akin.

I remember her calling me Liviya. She said I am her daughter. Ibang pangalan ang binanggit niya ngunit nasisiguro ko na hindi siya magkakamali sa kukunin na tao. I know my name is Athena but now I am not sure anymore. She won't call me Liviya if that's not my name.

They forced me to go inside. Hindi ako pumapalag pero hindi rin ako maglalakad kung hindi nila ako hihilahin. This grandeur house is scary. Walang ibang salita kundi karangyaan. Nakakatakot ito para sa akin dahil pakiramdam ko, sa oras na itapak ko ang isa kong paa sa makintab at madulas nitong sahig, hindi na ako kailanman bibigyan pa ng pagkakataon na lumabas. Makukulong ako dahil sa pagpili ko sa buhay ng mga inosenteng tao na iniwan ko.

Nag-ugat ang mga paa ko bago pa man makaapak sa hagdan na babagtasin paakyat at papasok sa malaking pinto. Natigil din sila sa paghila. Magaan ang hawak nila at hinihintay kung kailan ako magiging handa.

Umiling ako at pumikit ng mariin. It will be worth it. Makulong man ako'y marami naman akong nailigtas na buhay...including Silas.

Kasabay nang pagbukas ng mga mata ko ay ang aking paghakbang. Sa unang baitang pa lang ng mamahaling hagdan ay muli nang tumulo ang luha ko. With just one dusk, my whole life changed. My parents, my family, my name, and my whole being.

Pagkalagpas sa malaking pintuan tsaka pa lang nila ako binitiwan. Muling lumapit sa akin ang matandang lalaki na walang emosyon ang mga mata. Nakatitig lang sa aking mga mata at iginalaw ang kamay katulad kanina. Inilalahad niya ang daan. Hindi ko alam kung saan papunta ngunit alam ko kung sino ang pupuntahan.

Huminga ako ng malalim at tinuyo ang mga luha. If she was my mother, I don't think I would have liked her. Kung siya ang nagpakuha sa akin, siya rin ang nag-utos na pumatay ng mga tao. If she's my real mother, I don't want her to be my mother. She's clearly an evil.

Kung sa ibang pagkakataon ay baka humanga ako sa loob ng napalaking bahay na ito. The luxurious mansion is a combination of modern and classic design. The floor is pietra firma tiles and I am sure it has diamond encrusted. Maging sa dingding ay mayroon din ganoon na design.

Sa malawak na bulwagan ay mayroon tanggapan. The nine seater couch is carved from solid wood and red velvet upholstery, blended into expensive tiles. The detailed of the couch unmistakably twenty four carat gold. The whole house is made of diamond and gold. Hindi ako lumaki sa hirap na madaling mamangha sa mga mamahaling bagay ngunit sobra ito. Habang nakikita ko ang mga mamahaling bagay na narito ay lalo akong pinagtataasan ng balahibo sa takot sa halip na mamangha.

Sa napakalaking bulwagan, sa magarbong chandelier na nagbibigay liwanag sa unang palapag, sa diyamanteng nakakabit sa sahig at dingding, sa mamahaling couch na gawa sa ginto, at sa isang babae na inaari akong anak. Everything is ridiculous and impossible.

Kahit kailan hindi ko naisip na hindi ko tunay na magulang si Agatha. Kahit noong mga panahon na minahal ko si Silas ay hindi ko hiniling na sana iba ang naging magulang ko nang sa ganoon ay hindi na namin kailangan magtago. Handa na kami. Nagpa-plano na kami. Ang inaasahan kong pagtanan bago lumubog ang araw ay nauwi sa panibagong trahedya.

The Forbidden Desires (R-18) (Erotic Island Series #5)Where stories live. Discover now