The Forbidden Desires 59

51.3K 1.2K 115
                                    

(TFD) Chapter 59





Nagising ako na nasa kwarto. Natulala ako sa kisame. Ang mainit na likidong nasa mata ay mabilis bumalong palabas. Tahimik ang kwarto pero parang naging masakit na musika ang mga sigaw sa sakit, takot, at pagmamakaawa. Walang tunog ang aking pag-iyak subalit walang tigil ang paglabas ng luha na dumadausdos sa pisngi ko pabagsak sa unan.

Hindi ko alam kung ano ang sumunod na nangyari. Hindi ko na rin gustong malaman.

Wala pang bente kwatro oras nang naganap ang lahat. Ilang oras, araw, buwan, o taon ba akong mananatili rito? Kakayanin ko bang mapanatiling nasa katinuan ang sarili ko sa mga susunod pang araw? Bawat segundo natatakot ako na mayroon na naman panibagong mangyari.

Saan naman nila ako susunod na dadalhin?

Nagpunas ako ng luha at mabilis pumikit nang marinig ang pagbukas ng pinto. Halos umalog ang kama sa lakas ng tambol ng puso ko. Nagwawala at gustong lumabas dahil sa takot na nararamdaman. Para akong mawawalan ulit ng malay dahil sa bilis ng tibok nito.

"She's still unconscious, Madrina."

Minsan lang siyang magsalita ngunit alam kong boses iyon ni Leo. Nag-usap pa sila ng ilang sandali bago lumabas. Pagkarinig sa pagsara ng pinto ay marahan akong bumangon at tinitigan iyon.

Pinakiramdaman ko kung ano ang nangyayari sa labas. Ayokong bumangon at magkunwari na lang sanang tulog ngunit mahina sa pandinig ko ang usapan nila. Nasa kwarto ako. Noong lumabas sila'y nanatili sila sa sala. Marahan akong bumaba sa kagustuhang marinig ng malinaw ang pinag-uusapan nila.

Maliit na nakabukas ang pinto. Nasisilip ko sila mula sa siwang na ito. Siguro'y hindi nila naisara ng maayos dahil ang alam nila'y wala pa akong malay tao.

"He can't be here."

"He just wants to visit, Madrina."

"Visit? Sino ang bibisitahin niya? Ikaw?" Saad nito at sinamahan pa ng nang-ngungutyang tawa.

Kanina'y nagtaka na ako sa pagtawag niya sa pangalan nito. Pero ngayon, malinaw kong narinig iyon. They are casually talking right now. Pangalan lang din ni Madrina ang tawag niya rito.

Masamang tingin ang ibinigay ng babae sa kanya. Yumuko siya at muling nakiusap na hayaan bumisita ang pinag-uusapan nilang lalaki. Pagkaraa'y umalis si Madrina ngunit nagpa-iwan si Leo.

"Leo," tawag ko nang mapag-isa kami.

Nakatitig siya sa pinto na nilabasan ni Madrina. Mukhang malalim ang iniisip niya at hindi napansin na binuksan ko na ng tuluyan ang pinto ng kwarto. Parang nagulat pa siya at nilingon ulit ang pinto sa sala, nabahala siguro na narinig ko ang usapan nila.

"Hindi ko narinig lahat. Narinig ko lang na may pinag-uusapan kayong lalaki," pinangunahan ko na siya noong bumalik ang tingin niya sa akin.

Tumango siya. Tuluyan akong lumabas at tinulak pasara ang pintuan ng kwarto.

"I think I need a sleeping aids."

Tinitigan niya ako. Nakabakas sa mga mata niyang alam niya ang dahilan ng paghingi ko ng gamot. Hindi ako makakatulog ng maayos kung hindi ako iinom niyon.

"Matagal ka na ba niyang tauhan?"

Sa halip na sumagot ay yumuko siya tanda ng pamamaalam. Kumunot ang noo ko at muling nagsalita bago pa siya makalabas.

"I heard you call her by her name..."

His feet halted from walking. Nilingon niya ako at muling tinitigan.

"I saw how you casually talk to her. Nakita ko kung paano mo siya kausapin na parang hindi ka niya tauhan-"

"Take a rest, Lady. I'll bring you your sleeping aids," putol niya at nagmamadaling lumabas.

The Forbidden Desires (R-18) (Erotic Island Series #5)Where stories live. Discover now