The Forbidden Desires 25

91.2K 1.9K 671
                                    

(TFD) Chapter 25


"Hindi ka iinom?"

"Ayaw ng kuya mo. Mapapagalitan ako," sabi ko pagkatanggi sa basong may alak na inaalok niya.

Nagsisimula na silang magluto ng pagkain na hinain ni Neth. Naka-ilang palit na rin sila ng butane gas. Napapanuod ko ito sa mga palabas kaya familiar sa akin pero hindi ko pa nasubukan kumain nito sa mansion dahil hindi naman namin nakasanayan ni Grandpa. Ang mas madalas na pagkain doon ay mga lutong ulam ni Manang Lupe.

"Ganito!"

Napapangiti ako sa ginagawa ni Calix. Ikinuha niya ako ng luto na karne at ibinalot iyon sa dahon kasama ng ilan sa mga side dish katulad ng sa mga napapanuod ko. I don't mind eating these kind of foods but I mind it if he is beside me and preparing a bite for me while all their eyes are on us. Nakakahiya.

"Ako na," natawa ako at pilit inaagaw ang pagkain na gusto niyang isubo sa akin.

"No. Let me. Just open your mouth."

Nagkakatawanan na dahil sa pagpipilit niya kaya ibinuka ko na lang ang bibig para matapos na sa pang-aasar ang mga kaibigan nila. Imbis na matigil, lalong lumakas ang tuksuhan pagkasubo ko niyon.

"Totohanan na ba iyan?"

Umiling ako kay Nigel. Alam nila na kailangan namin maging kumportable ni Calix para sa paparating na play pero madalas pa rin nila kaming tuksuhin sa isa't isa.

Nagpatuloy pa ang tuksuhan. Natigil lang nang marinig ko ang tawag ni Silas sa akin mula sa main door nila. Napatayo ako. Lalapitan ko si Silas pero hinatak ako ni Calix sa pulsuhan ko kaya nalipat sa kanya ang tingin ko. Hindi pa naman siya mukhang lasing pero bahagya na siyang namumula.

"Saan ka pupunta?"

"Tinatawag ako ni Silas."

Tinuro ko ang pinto. Sinundan niya ng tingin ang itinuro ko. Magkasalubong ang mga kilay ni Silas na naka-abang sa pinto.

"Babalik ka pa?"

Tumango ako. "Oo."

Pagkalayo ko kay Calix, pumasok sa loob si Silas. Tinakbo ko na ang distansya ko at nang pinto para maitanong kaagad kung ano ang sasabihin niya. Nabungaran ko siyang nakatayo sa railing ng hagdan at nakasandal doon. Nakahalukipkip at mataman na pinanuod ang paglapit ko.

"Bakit?" Tinanong ko siya nang nasa harapan na niya ako.

"Hindi ka pa tapos kumain?" Malamig na balik niyang tanong.

Napakurap ako at umiling. Hindi naman ako gutom pero hindi pa sila tapos kumain kaya tingin ko hindi pa rin ako tapos.

"Hindi pa? You haven't finished eating or you haven't finished flirting? Saan doon?"

Napamaang ako. Umawang ang labi ko at napapaisip kung ano na naman ang ikinalamig niya. Umawang ang labi ko. Flirting? Na naman?

"I'm not flirting! Kanino ko naman gagawin iyon?" Medyo naiinis kong tanong.

Does he really think I'm always flirting? Ni hindi ko nga nabibigyan ng pansin iyon! Siya lang ang madalas na pinagsasabihan ako! What is flirting for him ba? Hindi ba't ang ginagawa nila ni Penny 'yon?

"Hindi ka pa tapos makipag-subuan kay Calix?" Mas malamig na tanong niya.

Napanganga ako at mabilis nanlaki ang mga mata. Tinitigan ko siya ng mabuti. Hindi ako nakapagsalita. Kaya niya ba ako tinawag dahil nakita niya 'yung pagsubo sa akin ni Calix? Nagkakatuwaan sila at tinutudyo kami pero wala lang naman iyon sa akin at tingin ko wala lang din iyon kay Calix.

The Forbidden Desires (R-18) (Erotic Island Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon