The Forbidden Desires 26

93.1K 2.2K 1.1K
                                    

(TFD) Chapter 26

"We were rehearsing, Silas! Why do you have to go there and make a scene? You even threatened Calix and Sir Ortiz!"

Pagkatapos niyang sabihin iyon, nagpaalam ako kay Sir para kausapin si Silas. Ipinatigil na rin niya ang rehearsal sa araw na ito kaya naman pinayagan na rin akong umuwi. Maaga naman daw kami na dumating lahat kaya ayos lang kung maaga rin kaming makakauwi lahat. Pero ang totoo, alam ko na dahil iyon kay Silas. Ako lang naman din kasi ang lumabas at lahat sila'y naiwan pa sa stage.

"Rehearsing?! Rehearsing what?! Rehearsing how to kiss?!"

Sinasabi niya iyon habang hinahabol niya ako dahil padabog akong bumaba ng sasakyan niya pagkarating na pagkarating ng sasakyan sa bahay. Hindi ko alam kung nasaan si Neth pero wala siya sa sala kaya diretso ang takbo ko paakyat sa third floor.

"Athena! Kinakausap kita!"

He harshly pulled me by my arm before I get to touch my door knob, he's red and raging as he pinned my arm against the wall beside my bedroom door. Nasa gilid ang pinto ko pero hindi niya hinayaan na makapasok ako. Naglalaban ang parehas namin galit na mga mata. Hindi ko alam kung saan ko hinugot ang lakas ng loob pero nagawa kong salubungin ang galit niya.

Ngayon na magkaharap kami, ngayon ko naalala ang ginawa nila ni Penny sa kusina. Lalo akong kinain ng galit at iba pang emosyon. Sinubukan kong umalis para maiwasan ang mga nararamdaman pero hinarang niya ang dalawang braso niya sa magkabilang gilid ko para kulungin ako.

"You don't want me to intervene with your kissing scene? Huh? Iyon ba ang ikinagagalit mo?! Disappointed ka dahil hindi natuloy?!"

"That's not true! Hindi ako galit dahil diyan! Hindi naman sa lips iyon!"

Natawa siya ng mahina pero halata na naaasar na.

"Lips or not, that was still a kiss!"

"That was just for play, Silas! Bakit pinipersonal mo?!"

"You want to kiss him, Athena! That's personal!"

I parted my lips and looked at him in disbelief. Gagawa at gagawa talaga siya ng rason para lang maipaglaban na tama siya!

"How did you know what I wanted? And what are you doing at my school? Why don't you just go somewhere else and mind your own business?" Why don't you just go to Penny instead of ranting at me?!

"Have you forgotten that you are my business here, Lady? Kaya ka nga narito at pinagbabawalan kita-"

Pumikit ako ng mariin at napaungol sa irita sa kanya. Pagdilat ko lalo akong nairita nang tumama ang tingin ko sa mapulang labi niya.

"Bakit bawal? Ikaw nga nakikipaghalikan kay Penny binabawal ba kita?!"

He opened his mouth and about to rant back but stopped immediately as soon as he realized what I had shouted. Napakunot ang noo niya at sandaling nag-isip. Nang may maalala, umawang ang labi niya at tinitigan ako ng madiin. Pinanliitan niya ako ng mga mata at may nakaabang na ngisi na sa mga labi.

"Oh? So, you did see that? Kaya ba pagbalik ko rito wala ka na?"

I noticed, he got me there! Sa unang bigkas ko pa lang sa pangalan ni Penny, nahuli na niya ako. Hindi ko sinabi sa kanya ang nararamdaman ko, ganoon din siya. Ang maikling alaala ko lang ang naging basehan ko tungkol sa maaaring nararamdaman namin pero walang aminan na naganap. Sa sinabi ko ngayon, parang umamin na rin ako.

"What is it to you if I kissed her?" He raised his thick eyebrows playfully.

Nanlamig ako, lalong pinasok ng galit ang kalooban nang maalala ulit si Penny. The way his hands held her. The way her hands clung to him. The way their lips touched.

The Forbidden Desires (R-18) (Erotic Island Series #5)Where stories live. Discover now