The Forbidden Desires 20

97.9K 2.1K 117
                                    

(TFD) Chapter 20

After we talked that night, we became casual with each other and mutually agreed not to talk about it again. Hindi na ako nagpupumilit sa atensyon niya. Samantalang bumalik naman siya sa malamig na pakikitungo sa akin. Nagkaroon ng hindi nakikitang barikada sa aming gitna at hindi namin iyon pwedeng tawirin. Hindi lahat ng nararamdaman, sinusuklian. Hindi lahat ng nararamdaman, dapat bigyan ng pansin. Para akong nabatukan at nagising mula sa isang bangungot pagkatapos kong managinip.

Imagining myself falling in love with him was a nightmare. I won't let that happen. That thought is wrong and disgusting in any ways. I know he did agreed about it without voicing it out. Alam niya rin na mali at nakakadiri. Kasi kung hindi, bakit niya pipigilan noon ang sarili niya? Halatang may gusto siya sa akin noon pa...o wala? Maaari ring isa na naman ito sa maraming sariling assumption ko.

Hindi kami nag-uusap ng madalas pero naiisip ko lang na baka pareho kami ng naiisip. Kaya nga siya lumalayo sa akin. At first I didn't understand and I was pretty persistent. I wanted to know a lot of things about him but that changed overnight. I'm perfectly fine now. Hindi ko na iyon kailangang gawin.

Kasama niya si Penny ngayon at ihahatid nila ako sa eskwelahan. Hindi ko alam kung sila na pero hindi na ako nagtatanong dahil hindi naman ito tungkol sa akin. Hindi na ako dapat nasasaktan at hindi na ako dapat nagiging masiyadong interesado sa kanya o sa kung sino mang mga makakarelasyon niya.

"Hindi ko pa rin makontak si Grandpa. Nakakausap mo ba siya?"

Nakatingin ako sa salamin na nasa uluhan ni Silas. Nasa back seat ako dahil nasa front seat si Penny. Mula sa daan ay nag-angat siya sa salamin. Umiling siya nang magkatinginan kami. Kanina pa lingkis ng lingkis si Penny sa braso niya. Panay naman ang alis niya sa kamay nito dahil nagmamaneho siya.

About business ang kinuha ko katulad kay Neth at ilan sa mga kaibigan niya. Mabuti na lang at nakapasok ako sa school na ito kahit sa huling taon na ako pumasok. Mukhang priority nila ang mga home schooled na advance ang naituro.

I fortunately passed the exam. Kailangan ko kasi matuto sa negosyo. Maalam na ako sa pagpapalago ng hacienda at rancho dahil marunong ako sa pag-aalaga ng mga tanim at pagpaparami ng hayop. Ang kailangan ko na lang matutunan ay ang magpatakbo ng negosyo.

"Bakit hindi sumabay si Neth?"

Ka-edad ko siya kaya ka-level ko rin siya sa huling taon. Naalala ko 'yung lalaki dati na nasa screen. If I remember it right, his name was Calix? He has the same vibes with Silas but a younger version. Mukhang kaedad ko siya o matanda sa akin ng isa o dalawang taon? Nag-aaral pa kaya siya?

"Naunang pumasok. Sinundo ng mga kaibigan."

Normal na lang sa akin ang tugon niya na ganito, maikli at malamig. It's better to be casual and cold than to be sweet and gentle. We both know there's something between us that's forbidden. We both have to restrain ourselves. Nakakahinga ako ng maayos dahil pareho namin na hindi tino-tolerate kung ano man ang bawal sa amin.

"Good luck, Athena!" Si Penny sa mapaglarong boses.

Sa ilang araw na hinayaan ko sila ni Silas, naging maayos ang turing niya sa akin. Kapag may dala siyang ulam, hindi na ako nagluluto. Kapag magkasama sila, kusa na ako na lumalayo. That's how it works. Tatakbo kami palayo sa apoy bago pa man kami masunog.

"Thanks!"

Ngumiti ako kay Penny na nakatingin sa akin mula sa front seat. Nagkatinginan din kami ni Silas sa salamin na nasa harapan. Nakaabang na roon ang tingin niya. Naging bahaw ang ngiti ko nang mapagmasdan ang malamig niyang mga mata.

"I know all your schedules. I'll call you every time you finish your class."

I mentally scolded my heart when it skip a beat. Enough, Athena! He's doing this because he promised he'll protect me. Hindi ko dapat ito hinahaluan ng kung ano.

The Forbidden Desires (R-18) (Erotic Island Series #5)Where stories live. Discover now