The Forbidden Desires 53

58K 1.4K 133
                                    

(TFD) Chapter 53





Hinatak ako ni Silas palabas. Si Grandpa at Manang Lupe ay sumilip din para alamin kung ano ang nangyayari. Mabilis kong nakalimutan ang iniiyakan ko kanina. Hindi ko pa tuluyang nakikita'y kinabahan na ako sa mga sigawan at putok ng baril.

Malakas akong napasinghap nang makita ang mga duguan at nakahandusay na mga tauhan. Kumapit ako sa braso ni Silas at hindi makapaniwala sa nasasaksihan. Muling uminit ang mga mata ko at mabilis namalibis ang mga luha.

Hindi ko kayang panuorin ito! Masiyadong brutal!

Pumikit ako ng mariin. Ako na naman ba ang dahilan nito? Dumilat ako at halos manginig ako sa takot. Ang mga trabahador na nagkakasiyahan kanina ay nagsisigawan na ngayon at nagtatakbuhan.

They are running for their lives! They are running because they are scared to die!

Nakabakas ang pangamba sa mukha nang lumapit ang pinakamataas na tauhan nila Adam na narito. Ang iba'y nagtungo kina Grandpa at Manang Lupe.

"I think they are hundreds, Silas! Hindi namin inasahan na ganito karami ang papapuntahin niya! This is an unfair fight! This isn't a fight Silas! This is a slaughter!"

Inabutan nito ng baril si Silas. Maging si Grandpa na malapit sa amin ay naging seryoso at may hawak na rin na baril.

"I will take her away from here!"

Hinila ako ni Silas palayo ngunit inawat siya ni Greg sa braso.

"If you take her, we will all die here-"

"What the fuck do you mean, Greg?! Do you want me to surrender her to them?!"

"Hindi sila titigil hangga't hindi siya nakukuha!"

"I don't care, Greg! Alam mo kung ano ang mangyayari kay Athena kung ibibigay ko siya sa kanila!"

Napasinghap ako at pumagitna sa kanilang dalawa. Hinarap ko si Greg. Pinapanayuan ako ng balahibo at sobra akong gulat sa sinabi niya.

"What do you mean?"

"They are looking for you! Hindi sila titigil hangga't hindi ka nakukuha-"

"She's not going with them!"

Tiningnan ako ni Greg. Pumikit ito ng mariin at umiling. Pagkadilat nito'y tiningnan niya ang mga nakahandusay na tauhan sa rancho.

"Handa kaming mamatay lahat. Trabaho namin ito. But they are innocent, Silas. Hindi na namin sila kontrolado..."

Humigpit ang hawak ni Silas sa braso ko. Alam kong hindi niya ako ibibigay kahit ano ang sabihin ng kausap niya.

"Why do they have to take me?" Tanong ko muli. Naguguluhan ako.

I am aware that my life is in danger. They want to kill me. Kaya ano ang sinasabi nila na kukunin ako ng mga tao na iyon? Hindi ba't gusto nila akong patayin? Kung papatayin nila ako bakit kailangan pa nila akong kunin? They can just shoot me in the head if they want to kill me instead of taking me somewhere.

Umiling si Greg. Hindi ako nito sinagot at si Silas ang hinarap niya na para bang nandito ang desisyon.

"You know they will not going to kill Athena. They were ordered to take her. Pero ang mga tao rito, Silas. Uubusin nila..."

"Call Adam for back up-"

"And what? Darating sila rito na ubos na tayong lahat?"

Naguguluhan ako sa palitan nila ng salita. Nagulat kaming lahat sa malakas na pagsabog. Kasabay ng pagsabog ay ang malakas na buhos ng ulan.

The Forbidden Desires (R-18) (Erotic Island Series #5)Where stories live. Discover now