The Forbidden Desires 52

65.2K 1.6K 88
                                    

(TFD) Chapter 52






Pikit pa ang isang mata'y napilitan na akong gumising dahil sa ingay. Halos paakyat na ang araw nang makauwi ako at makatulog sa kwarto. Bago magdilim ang usapan namin ni Silas kaya heto ako at magpapatanghali sana ng gising.

I love to sleep more and cover my ears with pillows but the loud noise outside won't let me. Isama mo pa ang kung sino mang kumakatok sa likod ng pintuan ko.

I groaned in protest and forced myself to wake up. Hindi naman nila kasalanan na puyat ako. Hindi rin alam ng mga tao rito kung saan ako namalagi kaninang madaling araw.

Pikit pa ang magang mata ko dahil sa puyat nang magtungo ako sa pinto para pagbuksan kung sino ang nandoon. Kumurap-kurap pa ako sa harapan ni Manang Lupe nang mapagbuksan siya. Nakatitig siya sa akin at parang nagtataka sa itsura ko. Hindi ako tumingin sa salamin ngunit nasisiguro ko na magulo ang aking buhok.

"Kagigising mo lang?"

Tumayo ako ng maayos bago sumagot.

"Opo, Manang. Ano po ang mayroon sa labas?"

Nagtataka siyang nakatitig sa akin. Pinagmasdan niyang mabuti ang ayos ko. Nang magawi ang tingin niya sa mata ko'y may pagdududa na sa mga mata niya.

"Hindi ka nagpalit ng damit bago matulog?"

Bahagya akong nagising sa tanong na iyon at wala sa sariling pinasadahan ng tingin ang aking suot. Bahagya kong inayos ang buhok ko at naisip na baka may sumabit pa na dayami roon.

"Pantulog ko ito, Manang."

"Oo nga. Hindi ba't nagpapalit ka ng damit kapag lumalabas ka? Nakita kitang lumabas kagabi. Anong oras ka umuwi?"

Tuluyan nang nawala ang antok ko. Dilat na dilat na ang mga mata ko at malinaw na rin ang ulirat para makapag-isip ng idadahilan. Pagka-akyat sa kwarto ay pagod na pagod ako. Diretsyo sa kwarto at bagsak sa kama na lang ang nagawa ko. Wala na akong lakas na maglinis at magpalit ng damit.

"Pinuntahan ko lang po si Avery. Hindi po ako nagtagal..."

Kahit ang totoo ay mag-a-alas kwatro ng umaga na ako umakyat. Tumango na lang siya kahit mukhang hindi kumbinsido dahil puyat na puyat ako.

"Saan po galing 'yung ingay na iyon, Manang?"

"Hindi ba nabanggit sa 'yo ni Agustin?"

"Na ano po?"

"Ika-apatnapung anibersaryo ng hacienda ninyo ngayon."

"Anniversary?"

Tingin ko'y nabanggit ni Grandpa hindi ko lang naalala. Taon-taon ito nagaganap ngunit dahil naging abala kakaisip sa pagpunta sa bukid ay nawala ito sa isipan ko.

"Nakalimutan ko po," bulong ko at iniisip na kung paano ako makaka-alis para sa usapan namin ni Silas.

Umalis si Manang Lupe at sinabi na mag-ayos ako para sumama sa pagbati sa mga tauhan. Saglit muna akong tumulala sa bintana at tinanaw ang lahat ng tauhan na nagtipon-tipon sa pahabang lamesa at nagkalat ang mga upuan.

Napapangiti ako sa mga nakaguhit na ngiti sa bawat labi nila habang masayang nakikipag-usap at kumakain sa mga kapwa trabahador dito. Nahuli ko pa ang pagkaway sa akin ni Gio habang kasama sa hapag ang Lolo niyang si Mang Temyo, tinatawag ako nito at pinapababa. Napalabi ako't inangat ang isang kamay bilang senyas na sandali lang.

Kaninang umaga siguro sila nag-ayos. Base sa tirik na araw ay mukhang tanghali na talaga. Akala siguro'y wala nang natutulog kaya't ang lakas ng patugtog. Halos kumalabog pati ang kama ko kahit malayo naman ang mga lamesa at speaker sa mansion.

The Forbidden Desires (R-18) (Erotic Island Series #5)Where stories live. Discover now