The Forbidden Desires 13

90.6K 2K 201
                                    

(TFD) Chapter 13

Mabilis kaming nakauwi sa bahay nila dahil sa bilis ng patakbo ni Silas. Walang nagsalita kahit nang makababa na kami sa sasakyan at makapasok sa mga kwarto namin.

Sandali akong natulala sa dingding ng kwarto. Hindi ako nagpalit ng damit o naglinis ng katawan. Masiyado akong tinatamad na kumilos ngayon. Hindi naman din kasi ako nanlalagkit dahil nakaligo ako kanina bago kami bumiyahe pauwi.

Nagising ako kinabukasan sa isang katok. Nasilip ko ang bintana, hindi pa tirik ang araw pero maliwanag na. Ginamit kong panuklay sa buhok ang mga daliri at tumayo para makita kung sino ang nasa labas.

Napagbuksan ko ang nakatayo na si Silas at bihis na bihis. Amoy din ang panlalaking shower gel niya at basa pa ang buhok.

"Mag-ayos ka na. Ihahatid na kita."

Iyon lang ang sinabi niya pagkasilip ko at umalis kaagad sa aking harapan. Hindi ko pa kaagad isinara ang pinto, tiningnan ko pa ang likod niya na papalayo. Nagbuntong-hininga ako at pumasok na sa loob para makapag-ayos katulad ng sinabi niya.

Nagmadali ako sa pag-ayos at hindi na namili ng susuotin dahil ayokong paghintayin siya. I wore my three inch black wedge and dark blue denim dress. Tinutupi ko ang hanggang siko na manggas niyon habang bumababa ako sa hagdanan. Pinasadahan niya ng tingin ang suot ko at tumayo para lumabas papunta sa kanyang sasakyan.

Hindi ako kumportable sa katahimikan namin pero ayoko naman na nagsisigawan kami. Natatamaan din siguro siya sa pagiging awkward ng biyahe kaya nagpatugtog siya ng mga kanta para kahit papaano'y magkaroon ng ingay sa loob ng sasakyan.

Hindi ko alam kung paano magsisimula ng pag-uusapan. Hindi maganda ang nangyari na sagutan namin kahapon at hindi pa iyon humuhupa sa ngayon. Gusto ko magtanong tungkol sa enrollment pero nang makita ko ang mga estudyante na labas pasok sa entrance ng school, nawala lahat sa isip ko ang dapat na mga tanong ko.

"This is your new school. Inayos ko na ang mga papel mo. May nakausap na rin ako sa loob."

"Kaklase ko ba si Gineth?"

"I don't know."

Na-excite ako pero hindi nakaligtas sa akin ang hindi nagbagong malamig na pakikitungo niya. Tumigil kami malapit sa entrance ng school. Malaking gate iyon at natatanaw ang ilang parte ng field sa loob. May mga ilan-ilang puno rin at mga bakal na upuan. Nagkukumpulan ang ilan doon na tingin ko ay mga estudyante rito sa paaralan.

Mabilis akong tumalon pababa at sinundan si Silas na nakapamulsa. Tinanguan lang siya nang guard na mukhang kakilala siya. Pagkapasok namin sa gate, nakita ko ang mga establisyemento. Marami ang nakahilera na building sa loob. Pantay pantay na limang palapag ang lahat paikot. Nasisilip ko rin na mayroon pang ibang mga lugar sa likuran niyon at nasasabik ako na libutin ito kapag nagpasukan na.

I smiled in every students I encounter. I am so overwhelmed and giddy. Halos makalimutan ko nang nandito ako para mag-aral dahil nalilibang sa mga nakikita na sobrang dami na estudyante. Enrollment pa lang at sigurado na mas maraming tao rito kapag nagsimula na ang pasukan.

Nasalubong ng tingin ko ang mga mata ni Silas. Seryoso siyang nakatingin sa reaksyon ko. Medyo malayo ako sa kanya dahil bumagal ang lakad ko pagkapasok at makitang maraming tao. Nakapamulsa siya. Hindi ko mapigilan na pasadahan siya ng tingin habang tamad na nakatayo at naghihintay na makarating ako sa kanya.

He's sporting his light brown cargo shorts, fitted white v-neck shirts, and plain white sneakers. Aabot lang sa tuhod ang pang-ibaba niya at ang pang-itaas ay nilalabas ang perpektong hugis ng kanyang katawan. His hair was messy brown and quite long, different from the usual haircut of officials. He has toned and ripped body. His muscles were on the right places. His chest and hard stomach attract the eyes of women.

The Forbidden Desires (R-18) (Erotic Island Series #5)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora