The Forbidden Desires 08

99K 2.1K 196
                                    

(TFD) Chapter 08



Napasinghap ako sa lamig ng hangin. Kulang na lang umusok ang bunganga ko. Nakasuot pa naman ako ng manipis na puting dress at umabot lang iyon sa ibabaw ng tuhod ko. Ang kulay puti ko na damit ay halos maging kakulay na ng balat ko.

Itinaas ko ang dalawang palad at itinapat iyon sa labi ko para saluhin ang mainit na buga ng aking hininga. Pagkatapos ay pinagkuskos ko ang mga iyon para maibsan ang lamig.

My lips are getting redder from the cold. I lick my lips from time to time to prevent it from dryness. Dahil sa lamig ay natutuyo ang labi at lalamunan ko. Ilang minuto na kami na naglalakad sa kakahuyan pero hindi pa sila tumitigil para manguha ng kahoy. Hindi naman malakas ang hangin pero sobrang lamig. Siguro dahil sa mga puno? Mayroon pang araw na sumisilip sa mga dahon pero malamig pa rin ang paligid. Nasa unahan si Silas at si Elle na kaibigan niya. Kami ni Neth ay nasa likuran at nahuhuli.

The curly tips of my hair swayed as I let it fall on my back, it was touching my lower back. Mahaba ang buhok ko. Makapal at sobrang itim. Bilugan at itim na itim din ang mga mata ko. Ang labi ko na kakulay ng mapulang mansanas ay maya't maya kong kinakagat. Hindi ko pala dapat ginagalit si Silas. Lalo tuloy akong hindi naging kumportable na kasama siya.

"She looks like a lost princess in the woods."

Nakangiti na nilingon ako ng kaibigan niya na babae, nakatitig ito sa ayos ko. Silas slightly tilted his head to glance at me. He's eyeing my one inch string sandals and my white layered dress. Tumaas ang sulok ng labi niya nang matigil ang tingin sa ribbon na nakakabit sa bewang ng suot ko na dress.

Bigla akong nahiya sa suot ko dahil sa pag-ngisi niya. Dapat ba nagpambahay na lang ako? Normal na damit ko lang naman ito sa tuwing lumalabas at ginagamit ko rin kapag sinasama ako ni Lolo o kaya ay ni Manang Lupe'ng magsimba.

Umakyat ang mga mata niya at nagtagal ang tingin sa kwintas na suot ko. Manipis na ginto ang chain at mayroon maliit na apple pendant. Napatingin siya sa mata ko nang haplusin ko ang pendant na tinitingnan niya. Nakakapa ko ang maliliit na batong nakapaligid doon.

Hindi ko alam kung kanino ito nanggaling. Nakalagay ito sa isang box na kulay pula at nakatago sa isa sa mga drawer ko. Tinanong ko si Lolo tungkol dito ngunit hindi niya rin daw alam kung kanino nanggaling. Ang natatandaan niya raw ay nakita niya ito na suot ko sa ikalabing isang taon na kaarawan ko. Aniya'y maaaring isa sa mga regalo sa akin.

Muntik na akong matigil sa paglalakad sa masungit na mga mata ni Silas. Iritado pa rin siya hanggang ngayon. Ibinalik niya ang tingin sa harap at hindi na nagsalita.

"She's so pretty, isn't she?"

Nakangisi ulit ako na nilingon ng babae pagkatapos niyang banggain ang braso ni Silas.

"Can you stop it, Elle?"

Sobrang iritado ang boses niya na ikinatawa ng babae. Pinanliitan niya ng mata si Silas at parang may napagtanto nang muli akong lingunin.

"Alright! Alright! My bad! I know you don't do your niece! That's completely incest!"

Humalakhak ang babae nang bigyan siya ng masamang tingin ni Silas. Yumuko ako. Pinagmasdan ko na lang ang maingay na tuyong dahon sa tuwing naaapakan ko. May relasyon ba sila? Tinatawanan lang kasi ng babae ang pagsusungit niya. Sanay na at kumportable na sila sa isa't-isa

"Anong puno ito?" Hawak ko sa tinigilan namin na malaking puno.

"Oak tree," maikli na sagot ng babae at tumabi sa akin.

Nakalabas na kami sa gubat pero ang lupain na ito parang pag-aari pa rin ng may-ari ng bahay. Walang kahit isang tao na makikita at iisang klase ng puno lang ang mga nakatanim. The environments here are pure green, dark green grass, big oak trees, and the wild woods for background.

The Forbidden Desires (R-18) (Erotic Island Series #5)Where stories live. Discover now