The Forbidden Desires 35

91.5K 1.7K 89
                                    

(TFD) Chapter 35

Nagpaalam si Gineth na sa bahay muna ni Yana makikitulog dahil paalis kami ng kuya niya. Pinayagan naman ni Silas lalo pa't kasama niyang nagpaalam ang mga babae na kaibigan.

"Mags-sleep over kami sa bahay nila Yana sayang at hindi ka ulit makakasama."

Nilingon nila si Silas nang lumabas siya mula sa bahay at buksan ang backseat para ayusin ang mga gamit na dadalhin namin. Nasa hardin ang mga babae at nags-snack. Nakatayo lang ako sa gilid ni Gineth at nakikinig sa pinag-uusapan nila para hindi mainip habang hinihintay ang oras ng pag-alis namin ni Silas.

"Ano ba ang kinakain niyang kuya mo?" Bulong ni Bunny at nagpaypay pa ng kamay sa mukha niya.

"Bakit? Ano pa ba ang kakainin ni kuya? Pare-pareho naman kami ng kinakain," naguguluhan si Neth na nakatingin kay Bunny.

"May kakaiba bang kinakain iyan? Bakit ganyan kaganda ang katawan ng kuya mo? At hindi pa kayo magkamukha!"

Natawa si Bunny at Amy. Si Gineth, nagsisimula nang magsalubong ang kilay. Kami ni Yana tahimik at nangingiti lang.

"Magkamukha sila ni Mama!"

Lahat kami'y nakatingin sa ginagawa ni Silas. Binuksan pa niya ang harapan ng sasakyan para maingat na silipin ang makina. Nakahawak sa pinto ng hood na nakataas ang isa niyang kamay para hindi iyon magsara. Ang isang kamay niya'y sinusuklay ang buhok niya pataas. Sandali niya lang na sinilip iyon at hindi na niya ginalaw. Lumipat naman siya sa mga gulong at isa-isa 'yung tiningnan.

"Ang perpekto ng kuya mo!" Piit na tili ni Bunny. Hinampas pa niya si Amy na katabi niya na ikina-simangot nang huli.

Pagkatapos masiguro na nasa magandang kundisyon ang sasakyan, umayos siya nang tayo at nakapamewang na nilingon ako. His stare lingers on me but he doesn't show any reaction. Siguro dahil nakatingin kaming lahat sa kanya. Mapapansin nila kung may ipapakita siya sa mga mata niya.

"Intimidating but burning," nakisali si Yana. Iniilingan nito si Bunny na mabilis nag-agree sa sinabi niya.

"I couldn't help but to stare at his delectable body! Ang sarap dilaan na parang ice cream! Ang sarap magpabuhat!" Tila kinikiliting humagikgik si Bunny. Natawa si Gineth at pabiro na tinulak ang kaibigan niya.

"Are you salivating in front of me because of my brother?"

"Well," kumibit balikat si Bunny. "He deserves my saliva-"

"Kadiri ka! Kapatid ko 'yang pinagnanasahan mo! Kapag narinig ka niyan lagot ka!"

"Pinupuri ko lang! Hindi ko na nga matitikman pati ba naman pagnasahan bawal?"

Napalabi ako at nahaplos ang suot ko na puting dress. Nakakahiya ang mga sinasabi ni Bunny. Mabuti na lang at medyo malayo kami sa sasakyan kaya hindi malinaw na maririnig ni Silas ang pinag-uusapan namin mula rito.

Nakagat ko ang ibabang labi ko sa mga salita na ginagamit niya. Sa totoo lang...magaling siya sa larangan ng pagbubuhat. But I wouldn't dare to tell them about that. I couldn't tell them he was literally scorching and he was extemely hot in bed. That's my own dirty secret.

"Nakatitig si kuya sayo! Baka hinihintay ka nang lumapit para makaalis na kayo!"

Nakay Bunny ang tingin ko nang magsalita si Gineth. Ngayon ang alis namin para puntahan sila Laura. Nakasandal nga sa sasakyan si Silas. Nakapamulsa at nakatingin sa akin. Pinigilan kong pamulahan lalo na sa harapan ni Yana na nakatingala sa kinaroroonan ko. Hindi kasi ako tinatawag ni Silas kaya akala ko hindi pa kami aalis. Mukhang naghihintay lang pala siyang matapos akong makipag-kwentuhan.

The Forbidden Desires (R-18) (Erotic Island Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon