The Forbidden Desires 31

93.7K 1.9K 443
                                    

(TFD) Chapter 31




Pagkalabas niya'y sinilip ko ang pinto at gate. Walang nasira pero ang gate, nakabukas dahil binangga niya. Nakatanaw ako sa bintana at inantabayanan ang kanyang pag-uwi. Ngunit nakatulog na lang ako na hindi siya dumating. Dalawang magkasunod na araw ganoon. Hindi ko alam kung saan siya natulog dahil hindi ko siya nakita kinagabihan.

Hindi ko alam kung late lang siyang umuuwi o hindi talaga siya dito natutulog. Sa gabi kasi kapag oras na ng tulog, wala siya. Kapag ganitong oras naman na maliwanag pa, narito siya. Hindi ko rin naman naririnig na umaalis ang sasakyan niya't wala ding ingay sa kwarto niya. Kaya hindi ko alam kung saan siya nagpupunta.

Pabalik balik ang silip ko sa bintana, tinitingnan kung ano na ba ang ginagawa nila. Galit siya at malamig. Kahit sa hapagkainan hindi niya ako sinusulyapan. Magkaharap kami pero nagagawan niya ng paraan para maiwasan ako.

Nagsisi na ako na nagpadala ako sa mga narinig ko. I want so bad to talk to him but I couldn't get the right timing. Araw araw nandito si Penny kaya hindi ako makalapit. Minsan kasama nito ang kuya niya. Minsan siya lang mag-isa. Akala ko ba hindi niya iyon gusto pero bakit ang dalas niya ngayon kasama? Nagsinungaling lang ba siya na hindi niya hinalikan si Penny noon?

"Silas! Ayoko na!"

Sa sumunod na araw, nagbabasaan sila sa hardin. Bumaba ako sa sasakyan subalit kahit sulyap sa akin hindi niya ginawa. Kauuwi ko lang galing school. Sasakyan niya ang gamit sa pagsundo sa akin pero iba ang nagmamaneho. May inutusan siya para ipagmaneho ako at ihatid-sundo.

"Tama na, Silas! Basang basa na ako!"

Nilunok ko ang bumara sa aking lalamunan nang marinig ang tawa ni Silas. Iniwas ko ang tingin sa kanila. Yakap ko ng mahigpit ang isang libro ko nang pumasok ako sa loob.

"Silas!" Humagikgik si Penny.

Naririnig ko sila kahit nasa kwarto na. Si Penny ba ang kasama niya tuwing hindi ko siya nakikita? Saan sila natutulog? Nagbago na ba ang isip niya dahil sa mga sinabi ko? Nag-init ang mata ko. Parang pinipiga ang puso ko. Alam ko na kasalanan ko kung bakit ganito ulit ang turing niya sa akin pero nasasaktan ako.

Bukas na ang play at nawawala ako sa konsentrasyon dahil sa mga nakikita ko. Kanina ilang beses akong napagalitan sa huling rehearsal. Mabuti na lang at nandoon si Calix para saluhin ako.

Nakasuot pa ang uniform ko, hindi ako makapagbihis dahil sa nadatnan ko at naririnig hanggang ngayon. Ang saya saya nila at parang hindi kami nagtalo ni Silas. Hindi ba niya kaya na malayo ng ilang minuto kay Penny kaya't hindi siya makaalis at sunduin ako kahit sandali lang?

"Ihatid mo ako sa bahay! Doon ka muna!" Si Penny iyon.

Nagtatawanan sila at mukhang tapos nang magbasaan. Nagpupuyos na ako sa inis nang muli akong sumilip. Nakatingala si Silas at naabutan ko na nakatingin sa bintana ko. Hindi ko binitiwan ang kurtina. Nakipagtitigan ako sa kanya gamit ang galit na mga mata ko para ipaalam na hindi ako natutuwa sa ginagawa niya.

Asang asa ako na aakyat siya rito at magpapaliwanag kapag nakita na galit ako. Kaya lang sa halip na iyon ang gawin ay nakipagyakapan pa siya kay Penny.

"Sige. Sa bahay niyo muna ako."

Kinagat niya ang ibabang labi niya at nag-e-enjoy. Tumawa siya at bahagyang iginilid ang kanyang ulo para sulyapan ako sa bintana. Napanganga ako nang magkatinginan kami at hayaan niyang yakapin siya ni Penny habang nakatingala sa akin. Padabog ko na ibinagsak ang kurtina at tinigilan ang kamamasid sa kanila. Narinig ko siyang tumawa.

Naglinis na lang ako ng katawan at naisipan na pipilitin ko na makatulog. Sinigurado ko rin na nakasara ang lahat ng lock nang pinto ko. Tinalikuran ko ang pinto pagkatapos kong isara iyon. Napaikot nga lang ako ulit nang maisip na hindi naman ako papasukin ni Silas dahil magkagalit kami at nandiyan si Penny. Binuksan ko ulit ang mga lock.

The Forbidden Desires (R-18) (Erotic Island Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon