The Forbidden Desires 15

90.5K 2.1K 365
                                    

(TFD) Chapters 15



"Nasaan ang Kuya mo?"

Kaliligo ko lang at pababa sa hagdan nang pumasok si Penny. Ang mabilis na takbo ko sa hagdan ay naging mabagal. She's holding a blue tupperware. Pagkain siguro dahil maayos ang pagkakahawak niya at nag-i-ingat na hindi matapon.

"Nasa kwarto niya si kuya. Ano 'yang dala mo?"

Naninimbang ang tingin ko kay Neth nang lumapit siya para makiusyuso sa dala nito. Pagkabukas niya, nalaman ko na ulam nga ang laman. Malayo pa kasi ako, amoy na.

Bakit kailangan pa niyang magdala? Eh may pagkain naman dito?

Nagpresinta pa naman akong magluto kanina ng pang-hapunan. Umakyat lang ako para maligo pero naibasta ko na ang mga sangkap ng lulutuin ko sa kusina kanina pa. Hindi na pwedeng hindi ko lutuin iyon.

"Kuya! Nagdala si Penny ng ulam!" Sabay dala ni Neth sa kusina nang pagkain na hawak na niya.

I tilted my neck to see Silas, he is behind me. Nagkatinginan kami pagkatingala ko. Pababa rin siya sa hagdan. Humarap ako sa hagdan at naghintay sa dulo hanggang sa makababa siya. Napaiwas lang ako ng tingin at napatabi sa isang gilid noong taasan niya ng kilay ang ginawa ko.

Gusto kong mapahilamos sa aking mukha nang mapagtanto ko ang nagawa! Hinintay ko pa talaga siya sa dulo ng hagdan habang bumababa siya? Ano ako? Prinsipe niya?

"Pinagluto kita!" Hagikgik ni Penny sabay pulupot ng mga kamay niya sa braso ni Silas.

Kumunot ang noo ko sa nakita. Pumapayag si Silas na lumingkis ito sa kanya? Ano ba ang relasyon nila? Mayroon na ba talaga?

Sandali ko silang pinagmasdan. Papalabas na sila sa pinto nang makapagdesisyon ako na magluto na ng ulam. Mas ginanahan akong magluto ngayon. Naisip ko na mas sarapan dahil naamoy ko ang luto ni Penny kanina. Hindi ko alam kung kaya ko bang magaya ang mga luto ni Manang Lupe pero susubukan ko pa rin.

Natapos ako sa pagluluto pero hindi ako ganoon katiwala sa luto ko. Hindi naman kasi ako madalas sa kusina kahit sa mansion. Marunong ako pero hindi magaling. Medyo masama ang loob ko at nagdadalawang isip na ihain ito. Pakiramdam ko kasi hindi ito papansinin ni Silas. Pero naisip ko rin na okay lang. Hindi naman ako nagluto para sa kanya. Nagluto ako para sa aming lahat.

"Ay! Nagluto ka? Marami ang dinala ko na ulam dapat hindi ka na nagluto!"

Natigilan ako sa pagsandok sa ulam na niluto ko dahil sa babae na biglaan na lang pumasok sa kusina. Nasa tabi ko na si Penny paglingon ko.

"Naibasta ko na kasi. Nahiwa ko na lahat kaya niluto ko na-"

"Ano yan?"

"Ah..." napipi na ako nang lumapit siya at nakangiwi na dinungaw ang niluto ko.

"Hindi mo nakita 'yong dala ko?" Hinarap niya ako.

Maayos naman ang tono ng pananalita niya pero na o-offend ako. Hindi ko alam kung bakit hindi ko siya gusto kahit miminsan lang naman ang naging interaksyon naming dalawa. At ngayon pakiramdam ko may masamang laman ang pagsasalita niya kahit para sa kanya siguro wala lang.

"Masasayang lang iyan dahil baka hindi makain! Paborito ni Silas ang niluto ko kaya sigurado ako na hindi na mapapansin sa lamesa iyan!"

Parang gusto ko na lang itapon ang niluto ko dahil sa sinabi niya. Nagawa niya pa akong ngitian bago magpunta sa lamesa at ayusin ang mga pinggan at kubyertos doon. Nagbara ang lalamunan ko. Ano naman kung paborito ni Silas iyon? Kung walang kakain, ako na lang ang kakain nito mag-isa.

Isang maliit na lagayan lang ang nilagyan ko. Kung hindi nila pansinin ito mabuti pa na sakto lang sa akin ang ihain ko. Inilapag ko iyon sa lamesa sa tabi ng ulam na inihain ni Penny. Nag-mukhang pipitsugin na pagkain ang gulay na niluto ko sa pang-restaurant na pagkain na dinala niya. May aral daw ito sa pagluluto pero hindi naman ako nakikipag-kompetensya. Wala akong balak na ikumpara ang luto ko pero ngayon parang nanlulumo ako sa kaisipan na maalam siya sa kusina.

The Forbidden Desires (R-18) (Erotic Island Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon