The Forbidden Desires 47

64.6K 1.7K 278
                                    

(TFD) Chapter 47




Nakatagilid ako sa kama. Paharap sa couch ko na pula ang paghiga. Hindi ko mapigilang mapangiti habang sinasakal sa yakap ang unan. Hindi na mabura sa isip ko ang naging pag-uusap namin kanina.

Pabalik balik siya sa lamesa kung saan ako nakaupo. Iinom o 'di kaya'y magpapahinga. Kapag nagkakatinginan kami, napapangisi siya. Ako naman, pigil na pigil ang ngiti at kunwaring hindi apektado. Hindi kami makapag-usap kahit umalis na ang mga babae. Nakatanaw kasi ang mga bantay ko at lumalapit pa minsan.

Nakatulugan ko na ang pabalik-balik na paghagikhik sa tuwing naaalala ko ang nangyari buong araw sa palayan.

Sa sumunod na araw ay pinigilan ko ang maging masiyadong masigla dahil baka mapansin ni Grandpa at makahalata siya. Tinitigan niya ang suot ko pagkababa ko para sa pananghalian. Nakasuot ako ngayon ng pinaghalong kulay puti at itim na kasuotang pangkabayo.

"Sasakyan mo ulit si Avery?"

Nag-angat ako ng tingin at tumango.

"Opo, Grandpa..."

"Huwag mong kakalimutan isama ang mga bantay mo kapag umaalis ka."

"Opo," ngumiti ako.

Tumikhim siya at uminom ng tubig. Hinarap niya ako at itinuon ang atensyon sa akin. Halos hindi ko malasahan ang kasusubo ko lang na pagkain dahil sa paraan ng paninitig niya.

"Nag-uusap pa ba kayo?"

"Po?"

"Si Silas. Tinatawagan ka ba niya?"

Nginuya ko ng mabuti ang pagkain na nasa aking bibig. Pinigilan kong masamid sa tanong ni Grandpa. Umiling na lang ako sa huli. Hindi ko maibuka ang labi dahil natatakot akong magsinungaling.

"Mabuti naman," huminga siya ng malalim at binitiwan ang mga kubyertos na hawak. "Sa oras na malaman ko na nagkakausap pa kayo, ilalayo kita. Dadalhin kita sa ibang bansa."

Bumagal ang pagnguya ko at kinabahan sa banta niya. Marahan akong tumango kaya nagpatuloy siya sa pagkain niya.

"Opo, Grandpa," mahinang sagot ko kaya bumalik ang mapanuring tingin niya sa akin.

Naulit ng ilang beses ang malalim na buntonghininga niya. Minamasdan niya akong marahan na kumakain. Siguro ay hindi pa siya tapos sa sasabihin ngunit tinitimbamg muna kung ano ang mararamdaman ko.

"Hindi ko pinapahintulutan ang relasyon ninyo dahil magkadugo kayo. Ang daming lalaki ang pwede mong magustuhan, Athena. Bakit si Silas na uncle mo pa?"

Hindi ako sumagot. Nakayuko lang ako at pinaglalaruan ang pagkain na nasa pinggan habang sinesermunan niya ako. Hindi ko rin alam ang sagot sa tanong niya. Marami nga ang lalaki pero isa lang ang gusto ko.

Napansin ko sa gilid ng mga mata ko ang pagkatigil ni Manang Lupe sa pagpasok sa hapag.

"Hindi rin magtatagal 'yang nararamdaman ninyo kaya ngayon pa lang pigilan mo na. Mapaglaro sa babae ang batang iyon kahit noon pa. Matagal kayong hindi nagkita kaya siguro ganyan ang nararamdaman ninyo sa isa't isa..."

Hindi na alam ni Gradpa kung paano ako mapagsasabihan dahil tahimik lang ako at hindi nagsasalita.

Dumaan si Manang Lupe at narinig ang ilan sa mga sermon ni Grandpa. Parang nagulat pa siya sa mga narinig niya.

"Hindi kita hahadlangan kahit kanino ka magkagusto kahit kay Gio pa na trabahador natin. Pero hindi ko mapapayagan kung si Silas ang magugustuhan mo."

"Magkaibigan lang po kami ni Gio..."

The Forbidden Desires (R-18) (Erotic Island Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon